Search
  • BULGAR

Taas-pasahe aprub, tiis pa more!

"MAGTIIS MUNA.”

Magtiis muna sa malalang trapik. Magtiis muna sa dagdag-presyo sa mga bilihin at serbisyo.

Magtiis muna sa taas-pasahe.

Ito ang payo ng Palasyo sa publiko kasunod ng pagtataas ng pamasahe sa mga pampasaherong jeepney at bus.

Kailangan umanong tanggapin ang katotohanan na hindi talaga mabuti ang sitwasyon ngayon kaya dapat magtiis muna.

Gayunman, pansamantala lang daw ang pagtataas ng pamasahe at babalik din sa normal ang lahat.

Ayon pa sa Malacañang, sadyang may mga pangyayari na wala na sa kontrol ng gobyerno.

Ang panahon daw ngayon na nagtataasan ang presyo ng langis ay globally at hindi lang sa Pilipinas nangyayari.

Ano pa nga ba ang gagawin ng mga Pilipino kundi ang magtiis at galingan ang diskarte sa pagba-budget.

Halos linggu-linggo ay nagbabago ang listahan ng gas­tusin. Lahat dapat i-adjust, lalo na kapag sumasabay ang taas-singil sa tubig at kuryente.

Ngayong may P1 hanggang P2 taas-pasahe, mukhang mababawasan na naman ang budget sa pamalengke.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.