Search
  • BULGAR

'Di raw dahil kay Ogie…REGINE, KUMANTANG INALOK ANG SARILI SA DOS

Vinia Vivar / FRANKLY SPEAKING

Photo from: ABS CBN

ISANG napakaengrande at na­paka­­bonggang welcome event ang ibini­gay ng ABS-CBN sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa muling pag­­babalik nito sa nasabing network last Wednesday.

Almost whole day affair ang event na nagsimula sa pagpirma niya ng kontrata nu’ng tanghali at nagdire-diretso na sa presscon.

Parang piyesta ang atmosphere sa bakuran ng ABS-CBN mula sa pagdating pa lang ni Regine sa compound kung saan ay sinalubong siya ni Chief Operating Officer (CEO) Cory Vidanes at daan-daang emple­yado na naglabasang lahat para salubungin si Songbird.

Sa presscon ay nilinaw ni Regine na hindi galing sa asawa niyang si Ogie Alcasid ang ideya ng pagbabalik sa ABS-CBN (yes, ayaw niyang sabihing “transfer” dahil sa Kapamilya Network daw siya talaga nagsimula at unang lumabas).

Ayon sa Asia’s Songbird ay siya talaga ang may ideya ng pagbabalik-Kapamilya.

“Pero hindi ako sigurado kung interested pa sila (ABS-CBN). Hindi talaga ‘ko sigurado, kasi alam ko na pasung-paso na sila sa akin,” sabi ni Regine sabay-tawa.

“Totoo naman ‘yun, eh. Alam ko na pa­sung-paso na sila. And I cannot blame them. And I was the one who asked for the meeting but it was my husband who arranged it. Kasi, siyempre, siya na ‘yung nandito.”

Sa first meeting nga raw niya with Cory Vidanes and Laurenti Dyogi ay kabadung-kabado siya at hinihintay niyang sabihin sa kanya ng mga bossing na hindi sila interesado.

“But I’m so happy nang sabihin nila na ‘Siyempre naman, interesado kami.’ Nata­tandaan ko ‘yung sinabi ni Direk Lauren na ‘Puwede na ba akong mag-hope?’ Kasi parang dalang-dala na sila sa akin.

“So, I am really overwhelmed. I am happy that I am here. Thank you for the opportunity,” pahayag ni Songbird.

When asked kung ano talaga ang na­kapagpa-decide sa kanya para bumalik sa Dos, dito na nagpahayag si Regine ng kan­yang pasasalamat sa GMA-7.

“First of all, I just want to say that 20 years po ako sa GMA and I am very thankful to them. I am grateful to them. Dahil po sa kanila, napatagal po ‘yung aking career, nabigyan ako ng pagkakataong mag-host, gumawa ng soap at marami pang iba.

“So, sa akin pong puso, maraming-maraming salamat pa rin sa GMA.

“Actually, not a lot of people know, I actually started here in ABS-CBN. I did, I started here. They gave me a chance, they gave me a television show na talagang practically, hindi po ako kilala. Nag-uumpisa pa lang ako nu’n, I was 16 or 17 years old, and I did 2 TV shows. I did Teen Pan Alley kasama ko si Janno Gibbs at si Bing Loyzaga, and then ‘yung Triple Treat.

“And then, of course, parang naging mainstay na rin ako ng Sa Linggo nAPO Sila, parang linggu-linggo halos, nandito ako, not to mention ‘yung show ng aking idol na si Sharon Cuneta, nan­dito po ako lagi,” she said.

Kung ano ang nakapagpa-decide sa kanya, ani Regine, it’s because gusto na raw niyang makatrabaho ulit ang ABS-CBN.

“I wanted to work with other artists. I wanted to do a concert with Sharon, with Sarah (Geronimo), and Gary (Valenciano), and Martin (Nievera) and Piolo (Pascual).

“You know, they’re all here. And that’s really naman my main reason. I just really wanted to work with other people. Kasi, especially the last few years, medyo nahihirapan akong mag-collaborate, mga collaborations na ginagawa ko, hindi na namin naipapalabas sa TV. So, parang it was getting harder and harder lang.

“But again, I am thankful to GMA. I have nothing bad to say about GMA. But I am so happy to be back here in ABS, I really am. And the kind of welcome they gave me, my goodness! Thank you very much, it’s so overwhelming,” pahayag pa ni Regine.

Dalawang taon ang pinirmahang kon­trata ni Songbird sa ABS-CBN at ini-reveal na nga rin niyang bukod sa A.S.A.P., gagawa siya ng sitcom with Ogie Alcasid at magdya-judge sa Idol Philippines.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.