- Thea Janica Teh
Microentrepreneurs, taralets sa Quezon City Trade Shows and Exhibit 2018!
HELLO, Bulgarians! Iniimbitahan ng Quezon City government ang lahat microentrepreneurs, Filipino investors at cooperative organizations kabilang na ang mga group association na makiisa sa Quezon City Trade Shows and Exhibit 2018 na gaganapin sa QC Hall Risen Garden (covered walk) sa darating na October 15-26, 2018 at November 5-16, 2018.
Ang event na ito ay magpapakita ng 3 categories pagdating sa negosyo at ito ay ang environment, processed foods at wearable and housewares. Ito na rin ang malaking oportunidad para makilala ang inyong mga produkto.
Sa unang linggo ng exhibit (Oct. 15 & 18) ay magkakaroon ng Tagumpay mula sa Kahirapan Forum at Cooperative Month Mandatory Training Seminar at sa ikalawang linggo (Oct. 23&25) ay magkakaroon ng free services, job fair at free haircut, hair color, massage at facial!
Sa ikatlo at ikaapat na linggo ay ipakikita ng mga exhibitor ang kani-kanilang produkto at magkakaroon din ng Business Skills Training ang Department of Trade and Industry (DTI) at Banko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ito ay para lalong ma-enhance ang kanilang marketing, financing at entrepreneurial capacity. Ang huling linggo ng exhibit, pangangalanan ang Ka Entrep, Best Booth, highest sales at most innovative products.
Kaya mga katsika, mark your calendar at sama-sama na tayong suportahan at tangkilikin ang gawang Pinoy!
♥♥♥
Mga katsika, abangan n’yo ang mga picture natin sa Instagram, i-follow n’yo ako -@missbulgarific o i-like ang aking Facebook page –https://www.facebook.com/Missbulgarific
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@gmail.com or message me on my Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo