Search
  • BULGAR

2 plantasyon ng marijuana, ni-raid

@Balitang Probinsiya | August 3, 2020


KALINGA—Dalawang plantasyon ng marijuana ang sinalakay ng pulisya kamakalawa sa bayan ng Tinglayan.


Ang mga plantasyon ng marijuana na sinalakay ay sa bulubunduking lugar ng Bgy. Loccong sa naturang bayan.


Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na may dalawang plantasyon ng marijuana sa naturang barangay kaya agad itong sinalakay ng mga awtoridad.


Isinira at sinunog ng pulisya ang mga tanim na marijuana na tinatayang nasa mahigit P42 milyon ang halaga.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga nagmamay-ari ng mga plantasyon ng marijuana sa naturang barangay.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.