Search
  • BULGAR

2 organizers ng NPA, sumurender

@Balitang Probinsiya | July 9, 2020



QUIRINO—Dalawang organizers ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa Philippine National Police (PNP) kamakalawa sa bayan ng Nagtipunan.


Ang mga sumuko ay kinilala ng pulisya sa mga alyas na Ka Sario at Ka Juana Marie, kapwa organizer ng NPA na nakabase sa nabanggit na lalawigan.


Nabatid na isinama nina “Ka Sario” at “Ka Juana Marie” sa pagsuko ang tatlong aktibong miyembro ng NPA na hindi na pinangalanan ng mga awtoridad para sa kanilang seguridad.


Sinabi ng mga sumukong rebelde na nais na nilang magkaroon ng tahimik na pamumuhay kaya nagpasya na silang magbalik-loob sa pamahalaan.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa gobyerno.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.