Search
  • BULGAR

2 notoryus na tulak, huli sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | August 10, 2020



BOHOL—Dalawang notoryus na drug pusher ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Taloto, Tagbilaran City.


Kinilala ang mga suspek na sina Kim Rasmussen at Vinz Sumatra, kapwa nakatira sa nabanggit na lungsod.


Ayon sa ulat, may natanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nagbebenta ng shabu ang dalawang suspek kaya agad silang nagsagawa ng buy-bust operation.


Nang pagbentahan ng shabu nina Rasmussen at Sumatra ang mga operatiba ay agad dinakip ng mga ito.


Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 2.5 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.