2 nagbibilyar tiklo sa illegal gambling at boga
@Balitang Probinsiya | September 8, 2022
LAGUNA—Dalawang lalaking nagbibilyar ang dinakip ng pulisya dahil sa illegal gambling at pag-iingat ng baril kamakalawa sa Bgy. Looc, Calamba City.
Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na sina Ronaldo Cortez at Dennis Dao, kapwa nasa hustong gulang at parehong residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na nagpupustahan sa larong bilyar sina Cortez at Dao kaya pinuntahan ito ng mga tauhan ng pulisya at dinakip ang dalawang suspek.
Nabatid na may nakuha din ang pulisya ng .38 revolver at mga bala sa bilyaran.
Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong illegal gambling at illegal possession of firearms and ammunitions.



Comments