top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 Motorsiklo nagsalpukan, 1 dedbol

BULGAR
Apr 18, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | April 18, 2022

CATANDUANES – Isang mekaniko ang namatay at dalawa katao ang sugatan nang magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Pajo San Isidro, Virac sa lalawigang ito.


Kinilala ang nasawi na si Jeffrey Soreda, 33-anyos, samantalang ang sugatan ay si Jaryl Bonapente at ang kasama nitong backrider na hindi pa nababatid ang pangalan.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng motorsiklong minamaneho nina Soreda at Bonapente kaya nagkabanggaan.


Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking pinsala sa ulo at katawan ang mga biktima.


Dinala ng mga saksi ang mga biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival sa pagamutan si Soreda.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page