2 most wanted criminal, nasakote
@Balitang Probinsiya | August 26, 2022
AKLAN—Dalawang most wanted criminal ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa kanilang hideout sa Bgy. Unidos, Nabas.
Hindi na muna pinangalanan ang mga suspek habang sila ay iniimbestigahan ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, dinakip ng pulisya ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong rape at child abuse sa lalawigan.
Napag-alamang nakita ng mga operatiba ang mga suspek na naglalakad sa naturang barangay, kaya agad silang dinakip.
Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad sa nasabing barangay.



Comments