top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 mangingisda huli sa illegal fishing

BULGAR
Sep 25, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 25, 2022


CAMARINES NORTE—Dalawang mangingisda ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagsasagawa ng illegal fishing kamakalawa sa karagatang sakop ng Angalan Island, Bgy. Banocboc, Vinzons.


Pansamantalang hindi muna pinangalanan ang mga naarestong suspek habang iniimbestigahan sila ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, dinakip ng mga awtoridad ang mga suspek dahil sa paggamit ng compressor sa panghuhuli ng isda sa nasabing karagatan.


Hindi naman nanlaban at kusang sumama sa pulisya ang mga naarestong suspek.


Nakapiit na ang mga suspek at sinampahan na sila ng pulisya ng kasong paglabag sa illegal fishing.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page