top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 kelot tinaga ng kapitbahay

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 31, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 31, 2022



CAMARINES SUR—Dalawang lalaki ang sugatan nang tagain ng kanilang kapitbahay kamakalawa sa Bgy. San Antonio, Bombon.


Ang mga biktima ay nakilalang sina Henry Cansilao at isang alyas Sonny, samantalang ang suspek ay si Jose Tapel, pawang nakatira sa nasabing barangay.


Ayon sa ulat, habang nag-uusap ay nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at nga biktima kaya kumuha ng itak at pinagtataga ni Tapel sina Cansilao at "Sonny."


Matapos ang pananaga ay nagtangkang tumakas ang suspek, pero naaresto siya ng mga nagrespondeng pulisya.


Kaagad dinala ng mga residente ang mga biktima sa ospital at kasalukuyan pa silang inoobserbahan sa pagamutan dahil sa tinamong mga taga sa kamay at katawan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page