2 kelot timbog sa boga at shabu
@Balitang Probinsiya | September 13, 2022
CEBU—Dalawang lalaki ang dinakip ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng baril at shabu kamakalawa sa Bgy. Dumlog, Talisay City.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina John Ian Amagable, Jonathan Alcaber, kapwa nasa hustong gulang at kapwa nakatira sa Cebu City.
Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba sa nasabing lugar.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng baril, mga bala, 300 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments