2 Kelot tiklo sa 200 corals
@Balitang Probinsiya | May 7, 2022
SORSOGON – Dalawang lalaki ang dinakip ng mga awtoridad nang mahuli sa akto na may dalang 200 sako ng corals kamakalawa sa Bgy. Dapdap, Pilar sa lalawigang ito.
Kinilala ang mga suspek na sina Bernard Musa at Alwin Acaraz, kapwa nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, may tinanggap na impormasyon ang pulisya na may dalang 200 sako ng corals na nakasakay sa isang mini-pick-up ang mga suspek.
Nabatid na kaagad rumesponde ang pulisya kaya nadakip ang mga suspek.
Ayon sa ulat, ipinagbabawal sa karagatan na kumuha ng mga corals sa nasabing lugar.



Comments