top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 Kelot huli sa sugal na pool

BULGAR
Jul 23, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | July 23, 2022


AKLAN—Dalawang lalaki ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagsusugal sa larong pool kamakalawa sa Bgy. Badio, Numancia.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Clyde Peralta, 33-anyos at Paulo Villejo, 44-anyos, kapwa residente sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa himpilan ng pulisya na nagsusugal sa larong pool sina Peralta at Villejo, kaya agad rumesponde ang mga awtoridad at dinakip ang dalawang suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng mga gambling paraphernalia at cash sa pag-iingat nina Peralta at Villejo.


Inihahanda na ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa mga suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page