Search
  • BULGAR

2 kagawad niratrat, 1 patay

@Balitang Probinsiya | July 6, 2020



LA UNION—Isa sa dalawang barangay kagawad ang namatay nang barilin ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Camilo Osias, Balaoan.


Ang nasawi na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay si Kagawad Jovito Lopez, samantalang ang sugatan na tinamaan sa kanang paa ay si Kagawad Oliver Ostrea, kapwa residente ng Bgy. Nalasin sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, pauwi na sina Lopez at Ostrea mula sa pakikipaglamay sa burol ng isa nilang yumaong kababayan nang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang dalawang biktima.


Kaagad tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril at nang dalhin ng mga saksi sa ospital ang dalawang biktima ay idineklarang dead-on-arrival si Lopez.


Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa dalawang biktima.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.