Search
  • BULGAR

2 grupo ng armado, nagbarilan sa isang barangay

@Balitang Probinsiya | August 5, 2020


MAGUINDANAO—Pinaghahanap ngayon ng dalawang armadong grupo ng kalalakihan na nagbarilan kamakalawa sa Bgy. Dunguan, Datu Montawal.


Ang mga nagbarilan sa nasabing barangay ay grupo nina alyas Andoy at alyas Matalam.


Ayon sa ulat, nang magkita sa naturang lugar ay biglang nagbarilan ang grupo nina “Andoy” at “Matalam” na naging dahilan kaya lumikas sa takot ang mga residente sa nabanggit na barangay.


Kaagad tumakas ang mga nagbarilan grupo ng mga suspek nang dumating ang mga nagrespondeng tropa ng pamahalaan.


Inaalam na rin ng pulisya ang sanhi kung bakit nagbarilan sa nasabing lugar ang grupo nina “Andoy” at “Matalam”.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.