Search
  • BULGAR

2 estudyanteng tulak, huli sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | October 6, 2020



QUEZON — Dalawang estudyanteng drug pushers ang inaresto nang makumpiskahan ng marijuana sa isinagawang drug-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Mason Sur, Candelaria.

Kinilala ang mga suspek na sina Vincent Caringal at John Lloyd Cueto, kapwa 21-anyos at nakatira sa nasabing bayan.

Nabatid na nagsagawa ng drug-bust operation ang mga awtoridad sa nasabing bayan nang pagbentahan sila nina Caringal at Cueto ng marijuana ay dito na dinakip ng mga operatiba ang mga suspek.

Nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang pakete ng marijuana at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.

Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.