2 biktima ng salvage natagpuan sa national highway
@Balitang Probinsiya | September 11, 2022
MAGUINDANAO—Dalawang bangkay ng lalaki na biktima ng salvage ang natagpuan kamakalawa sa national highway ng Bgy. Bulit, Montawal.
Ang mga biktima na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ay nakilalang sina Norodin Buisan, 29-anyos at Bila Maidto, 21-anyos, kapwa residente ng Kabacan, North Cotabato.
Nabatid na ilang residente ang nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril mula sa national highway at nang puntahan nila ay dito nila natagpuan ang duguang bangkay ng mga biktima.
Kaagad ini-report ng mga residente sa pulisya ang tungkol sa pagkakatagpo nila sa bangkay ng dalawang biktima.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo ng mga salarin sa pamamaslang sa mga biktima.



Comments