top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

2 Bigtime tulak nasakote

  • BULGAR
  • May 4, 2022
  • 1 min read

@Balitang Probinsiya | May 4, 2022


RIZAL – Dalawang bigtime drug pusher ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Darangan, Binangonan sa lalawigang ito.


Ang suspek ay kinilalang si Ronel Membrebe at Danilo Cado, kapwa nasa hustong gulang at mga residente ng nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng drug-bust operation ang mga operatiba sa nabanggit na barangay at dito nadakip ang mga drug pusher.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 138 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page