16 miyembro ng BIFF, sumurender
- BULGAR
- Jan 23, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | January 23, 2022
MAGUINDANAO–Labing-anim na miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Meta, Datu Unsay.
Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng awtoridad ang mga sumukong terorista.
Napag-alamang isinuko rin ng mga terorista ang mga dala nilang armas at pampasabog.
Ayon sa mga sumukong BIFF, nais na nilang magbagong-buhay at makapiling ang kanilang pamilya kaya nagbalik-loob na sila sa gobyerno.
Isinasailalim pa sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong BIFF upang matiyak na bukal sa kanilang kalooban ang pagbabalik-loob sa pamahalaan.



Comments