Search
  • BULGAR

13 ex-rebels, sumurender

@Balitang Probinsiya | July 27, 2020


ZAMBOANGA DEL SUR—Labintatlong dating miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Ocapan, San Miguel.


Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong dating rebelde.


Napag-alamang isinuko rin ng mga dating NPA ang mga dala nilang iba’t ibang uri ng armas at mga bala.


Ayon sa mga sumukong dating rebelde ay matagal na silang kumalas sa NPA at ngayon lang sila nagpasyang sumuko sa pamahalaan para mabigyan sila ng mga tulong pangkabuhayan.


Isinasailalim na sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong dating NPA para matiyak na bukal sa loob nila ang pagbabalik-loob sa gobyerno.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.