1 sa 5 shoplifter natimbog
- BULGAR
- May 23, 2022
- 1 min read
@Balitang Probinsiya | May 23, 2022
BATANGAS – Isang babae na kabilang sa limang shoplifter ang nadakip ng mga tauhan ng pulisya kamakalawa sa loob ng isang mini-mart sa Bgy. Manghinao Proper, Bauan sa lalawigang ito.
Hindi na muna pinangalanan ang nadakip na suspek hangga't hindi pa nadadakip ang mga kasamahan nitong shoplifter.
Ayon sa ulat, pumasok ang mga suspek sa SIDC Mini-Mart at dito nagsagawa ng pagnanakaw sa mga paninda, pero nakita sila ng mga empleyado ng establisimyento na agad tumawag sa mga awtoridad.
Nabatid na sa pagresponde ng mga awtoridad ay nadakip ang isang suspek, pero nakatakas ang mga kasamahan nitong shoplifter.
Nabatid na sinampahan na ng pulisya ng kasong qualified theft ang suspek, samantalang pinaghahanap pa ng pulisya ang ibang shoplifter.



Comments