top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

1 komunista todas sa engkwentro

BULGAR
Sep 22, 2022
1 min read

@Balitang Probinsiya | September 22, 2022


CAMARINES SUR—Isang komunista ang napatay sa naganap na engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga kasapi ng New People's Army (NPA) kamakalawa sa Bgy. Teresa, Baao.


Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng napatay na komunista.


Nabatid na may tinanggap na impormasyon ang mga awtoridad na may mga armadong lalaki na gumagala sa nasabing barangay kaya agad rumesponde ang mga sundalo ng Philippine Army (PA) at dadakpin na sana ang mga komunista pero pinagbabaril ng mga suspek ang mga kawal ng pamahalaan.


Ayon sa ulat, nakaganti agad ng putok ang mga awtoridad dahilan kaya napatay ang isang komunista.


Sa ngayon ay patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na miyembro ng NPA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page