Akala mo sa pagod lang nakukuha, ‘noh? HINDI MAGANDANG KONDISYON NG TIYAN, SANHI NG DEPRESYON AT ANXIETY

September 3, 2019

Jersy Sanchez / Gulat ka 'noh?!

 

 

 

  

Nakasanayan na na­tin na ang stress, dep­resyon at an­xiety ay kada­lasang nakukuha sa sob­rang pagtatra­baho,  prob­lema sa buhay at sa mga nega­tibong nang­ya­yari sa ating ka­paligi­ran.

 

True naman ‘yun, mga beshies. Pero alam ba ninyo na ang mga na­banggit ay puwedeng makuha kung hindi ma­ganda ang kondis­yon ng gut o tiyan? Weh? Paano nangyari ‘yun?

 

Base  sa bagong  pag-a­aral, ang koneksiyon ng utak at digestive sys­tem ang res­ponsable sa pagkakaroon ng  men­tal health issues. Ito ay dahil bukod sa utak, ang gut o tiyan ay natatanging parte ng katawan na may 500 mil­lion neurons. Ang mga neu­ron na ito ay ko­nektado sa utak sa pamama­gitan ng nervous system.

 

Ayon kay Dr. Melvin Look, director ng PanAsia, ang “second brain” o mas kilala bilang enteric nervous system (ENS) ay mayroong network ng dalawang mani­pis na layers kung saan may­roong higit 100 million nerve cells na naglilinya sa gastro­in­testinal tract mula sa eso­phagus papunta sa rec­tum. Sey ng mga expert, ka­yang makipag-communi­cate ng gut sa ‘big brain’ na may­roong malaki at malakas na epekto.

 

Sa loob ng matagal na pa­na­hon, naniniwala ang mga researcher at expert na ang anxiety at depresyon ang ilan sa mga sanhi ng proble­ma sa tiyan. Pero base sa ilang pag-aaral, napag-ala­man na nag­ka­karoon ng anxiety at dep­resyon kapag hindi ma­ganda ang gut health.

 

Gayunman, ayon kay Dr. Look, nangyayari umano ito dahil sa ‘gut-brain con­nection’. Paliwanag niya, nati-trigger nito ang anxiety at depresyon, gayundin, na­ka­aapekto ito sa psychiatric at neurologic disorders tulad ng Alzheimer’s disease, Par­kin­son’s disease, autism spec­­trum disorders at schi­zo­phrenia.

 

Dahil dito, ang mga in­di­bidwal na may Irritable Bo­wel Syndrome (IBS) o ‘yung hindi magandang kon­disyon ng tiyan na dahi­lan ng pag­tatae, pananakit at pagtigas, pagiging bloated, at iba pa ay kadala­sang nagkakaroon ng depresyon at anxiety.

 

Ayon sa mga eks­perto, maaari itong maiwasan kung mapa­nanatiling ma­gan­da ang kalagayan ng ti­yan. Pero ang tanong, pa­ano? Anila, ang mga pagkain na may espe­si­pikong strains ng bak­t­erya ay nakatutu­long para mag-iba ang mood at kalu­sugan.

 

Dagdag pa ng mga ito, ang mga pagkain na maa­aring magsilbing probiotics tulad ng yoghurt, kimchi at natto (Japanese fermented soybeans) ay makatutulong para dumami ang good bac­teria sa bituka, gayundin para mapanatili ang ‘happy gut’.

 

Ang mga pagkain na mabuti para sa ‘gut-brain link’ at makatutulong para mapanatili ang good bacte­ria ay Omega-3 fats mula sa isda tulad ng sardinas at oyster, high-fiber whole grains, nuts, fruits, vegetables at plant-based food tulad ng cocoa, green tea, coffee at olive oil na may polyphe­nols.

 

Gayunman, ang pagmo­monitor sa ating stress level at emosyon ay kasing-im­por­tante ng pagkonsumo ng good food.

 

Wow, hindi lang pala ang nakapaligid sa atin ang dapat nating bantayan kundi maging ang mga kinakain din natin.

 

Ngayong alam na natin ang koneksiyon ng mental health at digestive system, make sure na magiging ma­ingat na tayo sa mga kaka­inin natin, ha?

 

 Copy?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.