top of page
Search
  • BULGAR

Tutukan ang giyera sa Miami at Los Angeles

ni MC - @Sports | October 1, 2020



Hindi magpapatumpik-tumpik pa sina LeBron James ng Los Angeles Lakers para sa kanilang huling giyera sa NBA Finals kontra sa Miami Heat ni Dwayne Wade para pag-agawan ang kampeonato sa NBA.


Idaraos na ngayong araw ang Game 1 ng best-of-seven series NBA Finals dakong ika-9 ng umaga.


Ibinibida ng Lakers na determinado ang 35-anyos na si LeBron na kunin ang kampeonato sa kanyang pang-10 ulit na paglalaro sa NBA Finals na nagawa lamang ng dalawang manlalaro sa kasaysayan ng liga.


Dahil hindi maganda ang naging unang season ni LeBron sa Lakers bunga ng injury kaya pinalakas ng koponan ang kanilang lineup matapos kunin si Anthony Davis noong isang taon para makapartner ni James.


Naging dominante ang koponan dahil sa pagpasok ni Davis bilang katuwang ni LeBron at nagresulta sa pagpasok nila sa NBA Finals. "This is what I came here for," ani James sa interview matapos nitong durugin ang Denver Nuggets para makuha ang kampeonato sa Western Conference championship.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page