top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | December 3, 2023



ree

Mga laro ngayong Linggo (basketball)– Araneta


8:00 AM FEU-D vs. UST (B)

10:00 AM UPIS vs. DLSZ (B)

12:00 PM UST vs. NU (W)

4:00 PM DLSU vs. UP (M)


May bagong kampeon sa 86th UAAP Cheerdance Competition matapos daigin ng Far Eastern University Cheering Squad ang pitong iba pang koponan kahapon sa sa harap ng 18,122 sa MOA Arena. Pumangalawa ang dating kampeon National University Pep Squad habang pangatlo ang University of Santo Tomas Salinggawi Dance Troupe.


Malaking tagumpay ito para sa FEU at nabawi ang titulo na hinawakan nila noong Season 84 at isinuko sa NU noong nakaraang taon. Ayon sa mga marka ng hurado, napakaliit ng agwat nila sa NU – 87.81 kumpara sa 87.13.


Ginamit ng FEU ang tema na hango sa “Super Mario Brothers” na isa sa pinakasikat na laro sa kompyuter noong Dekado 90. Ito ay konsepto ng kanilang batikang coach Randell San Gregorio na inamin na taon-taon ay may natututunan siyang bago sa 20 taon na siya sa larangan.


“Kung ibibigay, ibibigay po talaga at gusto lang namin makuha ang perpekto at magandang routine para sa FEU,” wika ni kapitan Sarah Quintero. Sinang-ayunan ito ng isa pa nilang kapitan Aaron Ayalin na inamin na nakinig lang sila at nagtiwala at sumunod kay Coach San Gregorio.


Nagbigay-pugay ang NU sa Hari ng Rock and Roll Elvis Presley. Ito ang una nilang kompetisyon sa gabay ng bagong coach Gab Bajacan na pinalitan si Ghicka Bernabe na naghatid ng walong tropeo sa paaralan bago magretiro matapos ang Season 86.


Malayong pangatlo ang UST sa 85.50 at inulit ang kanilang pagtapos ng pangatlo noong nakaraang kompetisyon. Medyo napapanahon ang kanilang tema na inspirado mga Koreanang mang-aawit Blackpink.


Pang-apat ang Adamson University (83.13) at pang-lima ang University of the Philippines (75.25) nasa hulihan ang host University of East (69.88), De La Salle University (69.44) at Ateneo de Manila (66.50).


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | December 1, 2023



ree

Mga laro ngayong Biyernes – Santa Rosa Multi-Purpose

5 pm Makati vs. Muntinlupa

7 pm Binan vs. Santa Rosa


Magbubukas ng pinto ngayong araw ang 2023 National Basketball League (NBL) Chairman’s Cup sa dalawang laro sa Santa Rosa Multi-Purpose Complex sa Laguna.


Pitong koponan ang muling magtatagisan sa nag-iisang ligang professional kung saan ang mga manlalaro ay tunay na tubo sa lugar na kanilang kinakatawanan.


Ipagpapatuloy ang Laguna Clasico sa pagitan ng host Eridanus Santa Rosa at bisitang Tatak GEL Binan sa 7:00 ng gabi. Bubuksan ang torneo ng mga bagong kalahok na Makati Circus Music Festival kontra sa Muntinlupa Chiefs sa 5:00 ng hapon.


Hinati ang pitong koponan sa dalawang grupo. Lalabanan ng isang beses ang mga kasama sa grupo at dalawang beses ang mga nasa kabila. Nasa Grupo A ang Makati, Muntinlupa at Boss ACE Zambales Eruption. Ang Grupo B ay binubuo ng dalawang koponan ng Laguna at ng CamSur Express at defending champion Taguig Generals.


Layunin ng Generals na makamit ang bihirang Grand Slam o tatlong magkasunod na kampeonato. Matapos kunin ang Chairman’s Cup noong nakaraang taon, sinundan nila ito ng kampeonato sa President’s Cup noong Setyembre.


Hindi muna maglalaro sa President’s Cup ang pumangalawa sa Chairman’s Cup KBA Luid Kapampangan. Liliban din ngayon ang DF Bulacan Stars. Ang Santa Rosa at Muntinlupa ay nasa ilalim ng bagong pamunuan. Kahit ganoon, asahan pa rin na babalik ang karamihan ng mga manlalaro nila.


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | November 28, 2023



ree

Nararapat lang na manguna si Balvarin na may 23 puntos. Sumuporta sina Castor Troy Manipolo na may 12 at Solomon Itam na may 10 at humakot ng 14 rebound.


Bumaba ang Hunters sa 4-5 at tabla kasama ang nagpapahingang AMA University. Dahil dito, naagaw ng Kings ang huling tiket at #6 sa quarterfinals sa bisa ng kanilang 70-67 resulta laban sa New Era noong Oktubre 13.


Ang quarterfinals ay knockout. Maghaharap ang #3 City University of Pasay at #6 AMA habang ang kabilang tapatan ay #4 PCU at #5 Enderun Colleges.


Sa Juniors Division, panalo ang defending champion St. Clare College of Caloocan sa PCU, 76-64 at tinadtad ng New Era ang Enderun, 99-20. Lumikha ng tabla ang tatlong koponan sa 4-1 at gamit ang quotient naging #1 ang New Era, #2 Our Lady of Fatima University at #3 St. Clare habang pasok din sa Final Four ang 2-3 PCU.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page