- BULGAR
Putin, tinanggalan ng Taekwondo black belt
ni MC - @Sports | March 4, 2022

Hinubaran ng taekwondo black belt si Russian President Vladimir Putin bunga na rin ng pag-atake niya sa Ukraine, kasunod ng iba pang sanctions mula sa international economy at sporting world.
Matatag ang motto ng World Taekwondo na "Peace is More Precious than Triumph," kasunod ng pagkondena sa Russian military action kontra Ukraine, at nagsabing ang "brutal attacks on innocent lives" ay nilabag ang sports values ng respeto. "In this regard, World Taekwondo has decided to withdraw the honorary 9th dan black belt conferred to Mr. Vladimir Putin in November 2013," saad ng governing body sa isang statement.
Idinagdag nito na sasang-ayunan nila ang International Olympic Committee sa pag-ban sa Russian flag at anthem sa events nito. Ang desisyon ay ginawa matapos na maglabas din ang International Judo Federation noong Linggo ng suspensiyon sa status ni Putin bilang honorary president at ambassador sa gitna ng war conflict sa Ukraine.
Matatandaang si Putin ay nagpapakita ng iba't ibang teknik habang naka- martial arts uniforms, ipinamamalas ang imahe ng lakas sa iba't ibang staged events tulad ng pagsakay sa kabayo na walang pang-itaas na damit at paglalaro ng ice hockey.