top of page
Search
  • BULGAR

Marami na raw bagong singers… MARTIN, TAKOT NANG 'DI MAPUNO ANG CONCERT

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 27, 2024


Showbiz News
File photo: Janiz Navida

Well-attended ng mga kapwa singers-celebrities at mga advertisers ang ginanap na trade launch ng A-Team management company ni Ogie Alcasid last Thursday night (May 23) sa CWC Interiors sa BGC, Taguig.


Bukod sa mag-asawang Ogie at Regine Velasquez, dumating din at nag-perform-sumuporta sina Concert King Martin Nievera (kasama ang live-in partner na si Anj del Rosario), Jed Madela, Randy Santiago at T'yang Amy Perez (na nagsilbing hosts sa party), Jhong Hilario at Ryan Bang ng It's Showtime, Lara Maigue, Gian Magdangal, at ang mag-asawang Ara Mina at Dave Almarinez.



Nasa invitation na darating si Vhong Navarro pero hindi namin ito nakita sa dami ng tao sa event.


Masayang inanunsiyo ni Ogie na 21 concerts ang planong i-produce ng A-Team para sa mga kasamahang singers sa entertainment industry. 


Isa nga rito ang collaboration nila ni Martin Nievera para sa upcoming concert nitong The King 4Ever na gaganapin sa September 27 sa Araneta Coliseum.


Nang makapanayam namin si Concert King sa trade launch, aminado siyang excited pa rin siya sa kanyang pagbabalik-Araneta kahit pa sabihing ilang major concerts na ang nagawa niya rito.


Pero this time raw, nagpakatotoo si Martin na may takot siyang nararamdaman kung mapupuno pa rin kaya niya ang Big Dome, knowing na iba na raw ang henerasyon ngayon at mga mas batang singers na ang tinatangkilik tulad na lang ng Ben & Ben na hinahangaan din niya at maging si KZ Tandingan na para kay Martin ay napakagaling na singer-performer at gusto nga raw niyang matuto pa rito dahil sa kakaibang style ni KZ sa pagkanta.


Pero dahil dedicated nga si Martin sa kanyang profession, marami o konti man ang manood sa kanya, 101% performance pa rin ang handa niyang ibigay para mapasaya at ma-entertain ang kanyang audience.


Well, true naman na maraming baguhang mas bata at mas magagaling na singers ngayon, pero we can't deny the fact that Martin Nievera is Martin Nievera, the Concert King!


Ang basehan, sukatan at labanan naman d'yan ay ang longevity at staying power ng isang singer, hindi 'yung dami ng views at followers o kung nag-top ba sa chart ang isa o ilang kanta ng isang performer.


At sa taglay namang karisma ni Martin Nievera, for sure, maging ang young generation ay gusto pa rin siyang mapanood.


 

CARLO J. CAPARAS, PUMANAW SA EDAD NA 80


Showbiz News
Photo: Carlo J. Caparas / FB


Nagluluksa na naman ang entertainment industry sa halos magkasunod na pagpanaw ng talent manager na si Leo Dominguez at ng tinaguriang Komiks King na si Direk Carlo J. Caparas.


Unang pumanaw nu'ng Biyernes ang LVD Management Corp. head na humahawak sa career nina Ogie Alcasid, Lovi Poe, Paulo Avelino at Janine Gutierrez, kung saan kahapon (Sunday) ay nagkaroon ng funeral wake sa St. Alphonsus Mary de Liguori, Magallanes, Makati City from 10 AM to 12 MN, with a Mass at 5 PM.


At kahapon din, May 26, 2024, sa Facebook post ng anak nina Direk Carlo at Donna Caparas (na unang pumanaw nu'ng January 17, 2017) na si Peach Caparas, kinumpirma nito ang pagkawala ng ama sa pamamagitan ng pag-aalay ng isang madamdaming tula na pinamagatan niyang Sa Bawat Tipa ng Makinilya.


Nakilala si Direk Carlo bilang Komiks King nang isulat niya ang mga sumikat na nobelang Panday, Pieta, Elias Paniki, Bakekang, Totoy Bato at marami pang iba.


Hindi binanggit ni Peach ang dahilan ng pagkamatay ni Direk Carlo na edad 80 na rin pala ngayon.


Bukod sa pagiging nobelista, naging direktor din ng maraming massacre films si Carlo J. Caparas tulad ng Lipa Massacre, Angela Markado, The Myrna Diones Story, The Maggie Dela Riva Story, The Cory Quirino Kidnap: NBI Files, Antipolo Massacre, The Vizconde Massacre Story, The Lilian Velez Story at marami pang iba.  


Kami po rito sa BULGAR ay taos-pusong nagpapahatid ng aming buong-pusong pakikiramay sa mga kapamilyang iniwan ni Direk Carlo J. Caparas.

Isang mapayapang paglalakbay sa ating Komiks King, Direk Carlo J.!


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page