ni Ambet Nabus @Let's See | Abril 16, 2024
May sakit namang humarap ang Star For All Seasons na si Vilma Santos sa mga students, UST (University of Santo Tomas) officials, CCP (Cultural Center of the Philippines) executives at mga kaibigan sa media last Monday event sa UST.
Pero kahit maysakit, game na game pa ring nakipagkuwentuhan si Ate Vi sa mga estudyante at media tungkol sa newly found advocacy niya.
Ang sipag-sipag kasi ni Ate Vi na dumalo sa mga screenings ng kanyang movies na inorganisa ng gaya ng CCP, Eduksine, SOFIA, at mga schools gaya nga ng UST.
Lagi siyang excited makipagkuwentuhan sa mga bagong generation ng moviegoers dahil malaking bagay daw 'yung kakayahan ng mga ito na suriin at ipagpatuloy ang tradisyong manood ng sine sa mga sinehan.
During the MMFF, naging mukha nga ng naturang 'panawagan' ng industriya si Ate Vi.
And now, ito na ang adbokasiya niya.
Sa pag-iikot at pakikipagkuwentuhan ng batikan at premyadong reyna ng showbiz sa mga GenZ, GenAlpha at millennial, walang dudang sila ngayon ang mga new followers and supporters ng Star for All Seasons!
Grabe, 'noh! Just imagine kung paanong nag-transcend at nag-evolve ang mga tagahanga ng isang Vilma Santos!
So far, siya lang ang nakakagawa ng ganyan.
Comments