top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | October 9, 2025



Matthew at Chie Filomeno

Photo: Matthew at Chie / Circulated



Kinumpirma na ni Jake Cuenca na tapos na ang relasyon nila ng girlfriend na si Chie Filomeno pero walang breakup na nangyari.


Nakapanayam ang aktor at sinabi niya mismo na kapag mahal mo ang isang tao, gusto mong maging masaya ito.


Simula pa noong Agosto ay tila hindi na nagkakasundo ang celebrity couple dahil umano sa pinsan ni Daniel Miranda na partner ni Sofia Andres, si Matthew Lhuillier.


Ani Jake, labis ang pagmamahal niya kay Chie at matagal niyang ipinagtanggol ito sa kabila ng mga babala ng kaibigan at pagtutol ng kanyang pamilya. 


Ngunit nang makumpirma ang pagkakaugnay ni Chie kay Matthew, agad niyang ibinalik lahat ng gamit nito. Dalawang beses umanong humingi ng tawad si Chie at inamin ang relasyon kay Matthew.


Inamin ng aktor na hindi na niya inisip ang magpakasal. Gayunman, sinabi niyang taglay ng aktres ang lahat ng katangiang hinahanap niya sa isang mapapangasawa.


Well, marami ang nag-aalala kay Jake Cuenca na baka bumalik ito sa dating bisyo tulad ng alak at sigarilyo. ‘Wag naman sana.



PUNO ng emosyon ang bumalot sa 36th birthday celebration ni Janine Gutierrez nang balikan niya ang alaala ng kanyang yumaong lola na si Pilita Corrales. 

Sa South Africa nag-double birthday celebration si Janine at ang boyfriend niyang si Jericho Rosales.


Habang naghahapunan ang celebrity couple ay biglang napaiyak ang aktres. Bigla raw kasi niyang narinig sa kanyang isipan ang boses ng kanyang Mamita Pilita na kinakantahan siya ng “Happy Birthday”.


Kuwento niya, “We were having dinner the day before my birthday, and when Echo said ‘Happy birthday’ because it was already midnight in Manila, out of the blue, I couldn’t stop crying. 


“I could hear Mamita’s voice in my head singing happy birthday, and it just hit me. She would always sing happy birthday in her full singing voice, and it just kept playing in my head. I really couldn’t stop crying over my seafood like a baby. I don’t know what happened, but I guess that’s grief.”


Sa kabila ng mga hamon noong nakaraang taon, nagpahayag ng pasasalamat si Gutierrez sa pagmamahal at suportang nakapaligid sa kanya.


Aniya, “I was worried about leaving on a trip because our yaya, our second mom, who’s raised us alongside our parents since before I was born, is also seeking treatment now. But my siblings said I should go and it would be okay. Then the day before I leave, as I’m about to pack, I find this old letter from Mamita as I get my last box of things from my old condo. I don’t even know where it was from, but I also kept crying when I found it because it felt like a message from her saying I should go. Don’t worry.


“It’s been the toughest year, but I’m just filled with gratitude for everyone who’s held mine and my family’s hand throughout everything. I’m so grateful for another year and for all the blessings. I’m so grateful for my family, Echo, my friends, my work families, and all of you who’ve been there. I’m so grateful for this trip—it turned out amazing.


“So here’s a dump from my actual birthday. Hindi na ‘ko umiyak. Life is beautiful, just keep showing up. Thank you guys, ILY (I love you), and thank you for all the greetings.”


Well, nakakakilig naman na kasama ni Janine Gutierrez si Jericho Rosales sa mismong birthday niya at ito pa ang naging daan para maalala niya ang kanyang Mamita na walang iba kundi si Pilita Corrales.



Sandro, obyus na labs pa rin…

ALEXA, SINTUNADO, MANGIYAK-NGIYAK HABANG KUMAKANTA SA SHOW



EMOSYONAL si Alexa Miro nang awitin niya sa Sing Galing (SG) ang Ika’y Mahal Pa Rin ng Rockstar kamakailan.


Halatang hirap pigilan ng aktres ang kanyang pag-iyak at panginginig habang umaawit. 


Marami sa mga netizens ang nagsabing ramdam nila ang sakit sa bawat linya ng kanta.


Habang kumakanta, ilang beses din umanong hindi nakaabot sa tamang lyrics at tono si Alexa ngunit tuloy pa rin, kaya lalo nitong naantig ang puso ng mga manonood.


Ayon sa mga netizens, halatang may pinaghuhugutan ang aktres, lalo na’t ilang linggo pa lamang ang nakakalipas mula nang aminin niya na tapos na ang limang taong relasyon na matagal nilang itinago ng Ilocos Norte First District Representative at Presidential Son na si Sandro Marcos.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | October 7, 2025



FB Joj and Jai Agpangan

Photo: FB Joj and Jai Agpangan



Engaged na ang former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Joj Agpangan sa kanyang foreign boyfriend na si Danny. 


Ibinahagi ni Joj ang kanilang engagement sa kanyang Instagram (IG) account. Naganap ang proposal sa Austin, Texas, at ibinahagi rin niya ang vlog sa YouTube (YT).

Ipinakita ni Joj ang singsing na may tatlong diamonds na may simbolikong kahulugan para sa kanya at sa kakambal na si Jai. 


Ayon kay Joj, may espesyal na kahulugan ang disenyo ng ring niya, “It symbolizes me and Jai because we're twin sisters. Jai is a big part of my life.”

Caption niya, “Nilagyan n’ya ng singsing! From Tita Joj to Wifey Joj.”


Nagbigay din ng taos-pusong mensahe si Joj para sa fiancé, “Forever starts now with you, Danny. What a journey it has been—everything happened in God's perfect timing. I feel so blessed to have a man who loves so deeply and fully. My soulmate, I love you so much!”

Ibinahagi rin ng aktres na parehong suportado ng kani-kanilang pamilya ang kanilang relasyon.


Sey niya, “Ako at si Danny, we’re really grateful that we have an amazing family. They’re very supportive, they're very loving. That's why super smooth ‘yung journey sa amin.”

Ibinahagi rin ni Joj kung gaano siya kasuwerte sa taong kanyang makakasama habambuhay. 


“He’s really a great guy. He’s the best, and I can’t wait to spend my whole life with him,” aniya.

Ibinahagi rin ng PBB alumna na sa USA na siya maninirahan.


“Transitioning here is really a big step for me, but I’m excited. I’m just like positive. And good energy. People here are really nice,” ani Joj na tila handang-handa sa bagong yugto ng kanyang buhay-may-asawa.


Matatandaang unang sumikat si Joj noong 2012 nang makapasok siya at ang kakambal niyang si Jai Agpangan sa Pinoy Big Brother (PBB) Teen Edition 4, kung saan nagtapos sila bilang 4th Big Placer. Pagkatapos ng PBB, parehong pumasok sa showbiz ang kambal at lumabas sa ilang TV shows at pelikula.


Noong 2018, ipinagdiwang ng kambal ang pagtatapos nila sa kolehiyo sa University of the Philippines (UP).



PINURI ni Matteo Guidicelli ang mga kababayan niyang Cebuano sa pagkakaisa at katatagan ng mga ito sa kabila ng trahedyang lindol na nangyari sa kanilang lugar sa Cebu.


Aniya sa kanyang Instagram (IG) account, “Nasaksihan muli ang puso ng Cebuano! Ang ating mga kababayan ay nagsisikap na tumulong sa isa’t isa. Lahat ay sumusuporta sa isa’t isa at laging nagbibigay ng tulong. 


“‘Yan ang Pilipino! Basta Bisaya, GAHI!”


Ang kanyang pahayag ay hindi lamang para sa kanyang nakalakihang lugar kundi sa lahat ng naapektuhang lugar sa Cebu.



NAGSELEBREYT kamakailan ng 37th birthday si Maja Salvador. 


Ito ang bati ng mister niyang si Rambo Nuñez, “You are a blessing to me and Maria.”

Ipinagdiwang ng negosyante ang kaarawan ng misis niya sa pamamagitan ng isang heartfelt post sa Instagram (IG).


Sa naturang post, ibinahagi niya ang ilang larawan ni Maja na bakas ang kaligayahan.

Mensahe niya, “Happiest birthday to our Queen Momma. We love you so much!!!”


Mabilis na nakakuha ng atensiyon ang post ni Rambo online.


Sina Rambo at Maja ay ikinasal noong July 31, 2023, na ginanap sa Apurva Kempinski, Bali, Indonesia. Nagkaroon sila ng anak noong 2024.


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | September 29, 2025



FB/ Bela Padilla

Photo: FB / Bela Padilla



Muling binatikos ni Bela Padilla si Sarah Discaya matapos kumalat online ang larawan ng controversial lady contractor habang nagpi-finger heart sa labas ng Department of Justice (DOJ) noong Setyembre 27.


Ang mag-asawang Sarah at Curlee Discaya ay bumisita sa DOJ para magsumite ng ebidensiya kaugnay ng diumano’y iregularidad sa flood control projects. 

Habang may ilan na hindi pinansin ang gesture ni Sarah, marami rin ang nakakita na hindi nito sineseryoso ang kabigatan ng kaso. 


Sa isang larawan mula sa ABS-CBN News, makikitang nakangiti si Sarah at nag-finger heart, isang Korean-inspired gesture na simbolo ng pagmamahal habang nakaharap sa media.


Sey ni Bela, “Ang laki nang ginawa nila ng asawa n’ya sa ating lahat (clown emoji).” 

Dagdag pa niya, “@doj.ph katanggap-tanggap ba sa inyo ang ganitong pag-uugali?”

Para kay Bela Padilla, tila minamaliit ni Sarah ang seryosong isyu na may kinalaman sa pananagutan at tiwala ng publiko. 


Sa ngayon, ang mag-asawang Discaya ay sumasailalim sa pagsusuri ng DOJ para maisama sa witness protection program.



Piktyur sa ospital, kumalat…

LUNG CANCER NI OGIE, FAKE NEWS DAW



HINDI nakaligtas si Ogie Alcasid sa fake news matapos kumalat online na may lung cancer daw siya. May larawan pa na nagpapakita umano na nasa ospital ang singer-TV host.


Agad na pinabulaanan ni Ogie ang maling balita at ini-repost sa kanyang Instagram (IG) page ang lumabas sa Facebook (FB). 


Nilagyan pa niya ito ng caption na: “Isa na namang malaking fake news ito!!!”


Hindi ito ang unang beses na nadamay si Ogie sa fake news. Noong Abril 2024, ikinalat ng ilang content creators na meron daw siyang osteoarthritis at gumaling dahil sa ipinahid na cream. 


Ang mga larawan na ginamit noon ay mula rin sa IG post ni Ogie Alcasid.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page