ni Beth Gelena @Bulgary | October 26, 2025

Photo: FB Ricky Avancena
Binabatikos ngayon ang direktor na si Jerrold Tarog at ang aktor na si Jericho Rosales ng apo ng dating Pangulong Manuel L. Quezon na si Ricky Quezon-Avanceña.
Sa isang special screening ng movie ni Echo ay nagkaroon ng Q&A para sa ikatlong pelikula ng Bayaniverse trilogy na Quezon.
Isa sa mga naroroon ay ang apo ng dating presidente na si Ricky.
Tanong ng apo, “Was it a political satire?”
“Oo,” pagkumpirma ni Tarog.
Sinundan ito ni Avanceña ng, “So nagbibiro ka lang pala?” na agad namang nilinaw ng direktor.
Sagot ni Direk Jerrold, “Hindi, seryoso ang paksa.”
Giit pa ni Tarog, “Ipapaubaya namin sa madla ang pagpapasya kung ito ay isang bagay na gusto nilang iproseso.”
Biglang sabi ng apo ng dating presidente, “Sinalaula ninyo ang alaala ng aking lolo.”
Hindi na napigilan ni Jericho na makialam. Sinabi ng aktor na payagan ang iba pang miyembro ng audience na magtanong, pero humingi ng mas mahabang panahon si Avanceña para sabihin ang kanyang pagtutol.
“Teka lang, Echo, hindi pa ako tapos, eh,” pagpupumilit ni Ricky.
“With all due respect, Sir, I understand your feelings but this is a Q&A for everyone. We are giving everyone a chance because everyone—,” agad na pagputol ni Jericho sa sinasabi ni Ricky Avanceña.
Sabat ni Ricky, “Hoy, Pare! Pakinggan mo ako.”
Sinubukan pa ni Echo na magpaliwanag.
Aniya, “We’re gonna listen to you but there is a space and time.”
Pagsingit uli ni Ricky, “Uy! Jericho, ‘wag mo ‘kong ganyanin, ah. Umupo ka, patapusin mo ako. One minute, I’m done.”
Sinubukan ng production team na bawasan ang tensiyon at tinanong ang iba pang audience kung meron silang ibang mga katanungan.
Kasunod nito, iginiit pa rin ni Avanceña na binuksan ng pelikula ang ‘Pandora’s box’ kaya hayaan siyang magsalita at saka binatikos ang produksiyon sa pagsira sa alaala ni Quezon.
Bago tapusin ang kanyang pahayag, sinabi ni Avanceña na sinisiraan ng mga filmmakers at ng mga miyembro ng cast ang kanilang pamilya para sa komersiyal na pakinabang.
Wika nito, “Hindi ninyo alam ang ginawa n’yo. Dahil kayo, gusto ninyong kumita ng pera. Gusto ninyong sumikat. Sinalaula ninyo ang alaala ng isang pamilyang nagbuwis ng buhay. Mahiya kayo!”
Kalaunan, sa social media, nilinaw ni Avanceña na hindi niya hinihimok ang mga tao na iwasan ang pelikula ngunit nanawagan sa publiko na panoorin ito at samahan siya sa pagtatanggol sa karangalan ng kanyang lolo online.
Binigyang-diin niya na ang dating Pangulong Manuel L. Quezon ay hindi lamang isang bayani kundi ‘the best ever most incorruptible’ president.
Naku po! Sana hindi na bumangon pa si dating Presidente Quezon sa kanyang
kinahihimlayan dahil sa gusot na nangyari sa kanyang biofilm.
In fairness naman sa aktor na si Jericho Rosales, ang galing niya bilang si Quezon sa movie.
NAGSALITA na si Gabbi Garcia hinggil sa pambu-bully online.
Aniya, “Throwing hate, bullying, trolling, and bashing online can cause a deep and lasting toll on a person. This will NEVER be okay.”
Hindi raw ito normal at hindi dapat i-tolerate.
“Many people are already silently struggling with personal battles we don’t see,” aniya.
Idiniin din niya na imposibleng malaman ang tunay na emosyonal na kalagayan ng isang tao sa likod ng screen.
Ayon pa sa aktres, malaki ang nagiging damage sa mental health ng mga tao ng cyberbullying.
“The effects on mental health are real — anxiety, depression, self-doubt, and sometimes even irreversible decisions,” wika niya.
“It’s time to break this cycle of hate,” patuloy ng aktres na hinihikayat ang lahat na itigil ang pagpapalaganap ng negativity.
Ginamit niya ang kanyang social media platform for kindness, not division.
“Imagine if we used these platforms not to tear each other down, but to lift each other up, with compassion, empathy, and understanding…” pakli pa niya.
Maraming artista ang nagpahayag ng mga ganitong sentimyento nang dahil sa pagkamatay ng anak na babae ni Kuya Kim Atienza na si Emman.
Winakasan niya ang sariling buhay dahil na rin sa matinding bashing na naranasan niya mula sa mga netizens, especially sa mga DDS (diehard Duterte supporters) kung saan nakatanggap siya mula sa mga ito ng death threats nang dahil sa political stance niya.






