top of page
Search

ni Beth Gelena @Bulgary | January 10, 2026



BULGARY - MARIAN, NAGSALITA NA SA HIWALAYAN DAW NILA NI DINGDONG_FB Marian Rivera

Photo: I FB Marian Rivera



Nag-react si Marian Rivera sa isang blind item na may pamagat na ‘Power couple, hiwalay na’ na agad iniuugnay ng publiko sa kanila ng mister na si Dingdong Dantes.


Ayon sa host ng isang entertainment channel, maraming nagtatanong kung ang DongYan nga ba ang tinutukoy sa blind item. Upang linawin ito, tinext umano niya si Marian na kalaunan ay tumawag at tawa nang tawa.


Ani Marian, bakit daw tuwing umpisa ng taon ay sila agad ang lumalabas sa blind items? 


Ayon pa sa kanya, masaya raw ang kanilang pamilya at kasalukuyang nagbabakasyon sa Palawan.


Gayunman, ayon sa host, may isa pa umanong power couple na napapabalitang hiwalay na.


Ilan sa mga komento ng mga netizens:


“S’yempre, ide-deny ‘yan, kahit ‘yung illegitimate child issue, kasi may contracts at risk.”


“Masyadong perpekto ang kasal nila na hindi matanggap ng mga bashers.”

“Fake news pa more.”


“Kung may bata talaga, lalabas din ‘yan. Tsismis lang ‘yan.”

“Alangan namang aminin kahit ‘di totoo.”


“Sa history ng paano sila nagkatuluyan, hindi hahayaan ni Marian na mauwi sa hiwalayan.”


“Every year may issue ng hiwalayan, ano naman kaya ngayon?”

“Kung totoo man, sana hindi napabayaan ‘yung bata.”

“Sabi nga nila, ‘pag may usok, may apoy.”

“Panahon ang magsasabi.”


Wala pang pahayag ang aktor na si Dingdong Dantes tungkol sa isyung ito.



Sa kasal nila ni Zanjoe…

RIA, WALANG ALAM SA NAGING AWAY NINA JOHN LLOYD AT ROBI



BINASAG na ni Ria Atayde ang katahimikan tungkol sa umano’y alitan na nangyari sa kasal nila ni Zanjoe Marudo sa simbahan bago nag-Pasko. 


Nagkairingan umano sina John Lloyd Cruz (JLC) at Robi Domingo kung saan kinompronta raw ng una ang huli dahil sa isang biro na tinawag si Zanjoe bilang ‘Mr. Atayde’ noong reception.


Ayon kay Ria, wala siyang alam na may naganap na komosyon. Inilarawan niya na maayos at maganda ang naging kaganapan ng kanilang church wedding. Pinuri pa niya ang kanilang ‘phone-free’ policy na sinunod ng mga bisita upang maiwasan ang abala at agarang paglabas ng impormasyon ng kasal sa online. 


Pero bagama’t solemn wedding ang gusto ng couple, naging sentro pa rin ng atensiyon ang umiikot na tsismis tungkol sa umano’y mainit na komprontasyon sa pagitan nina JLC at Robbie.


Nagsimula ang mga bulung-bulungan matapos magbahagi ang beteranong showbiz insider na si Ogie Diaz ng isang nakakaintrigang kuwento sa kanyang vlog. 


Ayon sa mga ulat, sumiklab ang tensiyon sa after party sa reception.

Si Robi ang nagsilbing host ng kasiyahan kung saan nagbiro siya nang tanungin ang groom kung ano ang pakiramdam ng pagiging ‘Mr. Atayde’, ilang sandali matapos tanungin ang bride tungkol sa pagiging ‘Mrs. Marudo’. 


Bagama’t biro lamang ito, tila hindi nagustuhan ni Lloydie dahil hindi umano naaangkop ang naturang biro para sa kanyang kaibigan.


Ayon sa mga saksi, naging malakas ang palitan ng usapan sa bar area na umagaw ng pansin ng ilang celebrity guests. Si Donny Pangilinan pa nga raw ang pumagitna upang pakalmahin ang sitwasyon.


“If something did happen between them, they did an amazing job of keeping it away from me,” ani Ria. 


Sey pa niya, “It wasn’t something that disrupted the event at all. It was a beautiful, smooth night from start to finish.”


Nagpahayag din ng pasasalamat si Ria sa kooperasyon ng mga bisita sa kanilang mahigpit na phone-free policy. Dahil dito, naging mas present ang lahat at nanatiling nakatuon ang atensiyon sa kanilang pag-iisang-dibdib at hindi sa social media.


Sa huli, kinumpirma ni Atayde na bagama’t bahagi ng showbiz ang drama, hindi ito umabot sa kanilang altar.


Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:


“It is an old-hat western joke during weddings. A playful reversal of role. I think Robi meant it as light banter.”


“I mean, doesn’t his question denote that Zanjoe is less than his wife in this marriage? Medyo off din nga.”


“That joke of Robi has a deeper sense, Zanjoe being called Mr. Atayde. Maybe JL thought Robi calling Zanjoe as Mr. Atayde an insult not as Ria’s husband but as a bro and son-in-law of the two Ataydes in Congress.”


“‘Yun ang hindi naiintindihan ng mga bashers ni JLC. Focus agad sila na kesyo laos kaya nagpapansin. ‘Yung nilalait nila, milyonaryo.”

“JL is the next Baron.”


“May kinalaman yata ‘yung joke sa flood control allegation kay Arjo Atayde.”

“JL is a real one on this issue. I won’t mind kung may tropa akong magtatanggol sa akin.”


“Dapat mag-ingat si Robi sa sinasabi n’ya. Kaibigan ‘yun, natural lang maasar si JLC.”

“It was perhaps meant to be a joke delivered in the wrong place at the wrong time. Robi must be more sensible when making jokes.”


Umaasa naman ang ilan na nagkaayos na rin sina Robi Domingo at John Lloyd Cruz matapos ang selebrasyon.

 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | January 4, 2026



BULGARY - JANUS, MAY PATUTSADANG “MALDITANG BAGONG KASAL” KAY CARLA_FB Janus del Prado & Carla Angeline Reyes Abellana

Photo: I FB Janus del Prado & Carla Angeline Reyes Abellana



Na-mass report ang Facebook (FB) page ng aktor na si Janus del Prado, kaya biglang na-hold ang monetization o ang kanyang pagkita ng pera sa socmed matapos siyang mag-comment sa wedding cake ng aktres na si Carla Abellana.


Sey kasi ni Janus, sisiw na lang ang kulang dahil mukhang kabaong ang white wedding cake ng aktres na ikinasal nu’ng December 27 kay Dr. Reginald Santos. 


Kuda pa ni Janus, may isang ‘malditang bagong kasal’ na supposedly ay may kinalaman sa pagre-report sa kanyang FB page.


“Grabe! Maldita pala talaga ‘tong bagong kasal. Ipina-mass report ‘yung page ko, kaya ngayon naka-hold ang monetization,” ani Janus.


Dagdag pa niyang waring nagbababala, “To your new husband, ingat ka sa napili mo. Remember, she dragged all her exes’ names into the mud. ‘Wag kang magkakamali.”

Pakli pa ng aktor, “Hay! ‘Yun lang? Napikon ka na? Overreact much? Best wishes. Sana tumagal kayo kahit 6 months lang.”


Well, hindi man pinangalanan ng aktor ay gets na gets ng mga netizens kung sino ang tinutukoy niya. Wala pang pahayag ang bagong kasal na si Carla Abellana tungkol dito.



Kahit ‘di ang aktor ang tunay na ama…

ANAK NI KATHERINE, KAMUKHA NI COCO



DALAGA na ang anak ni Katherine Luna na si Nicole, na sinasabing anak noon ni Coco Martin.


Ipina-DNA noon ang bata at lumabas na negative ang resulta na anak siya ng aktor. 


Humingi ng tawad si Katherine kay Coco at pinatawad naman siya nito. At dahil may mabuting kalooban si Coco, tumutulong pa rin siya sa dating aktres. 

Katulad na lang kamakailan na ipinaopera niya ang mga mata ni Katherine.

Sey nga ng mga netizens…


Kaya bine-bless si Coco Martin, matulungin sa kapwa kahit ginawan pa s’ya ng ‘di maganda.”


“Nicole ang pangalan ng anak ni Katherine. Noon, pati si Nicole ay nahihiya kay Coco nang malaman na ‘di ito ang tunay niyang ama. Pero ngayon, okay na sila at dalaga na s’ya nang makita ulit ni Coco at niyakap agad s’ya.”


“Magkamukha man sila kahit hindi magkadugo, napamahal na kay Coco. Puwede pa rin namang maging ama kahit hindi magkadugo lalo kung napamahal na, since tinalikuran na ng tunay na ama. God bless you more, Coco Martin.”


“Galing si Coco sa hirap kaya madaling makaintindi sa mga taong nangangailangan. Hindi lahat ay ganu’n ang ugali lalo kung yumaman at sumikat. Kaya lalo s’yang pinagpapala.”


“Napakabait talaga ni Coco. Tinulungan n’ya sa operasyon (ng mata) si Katherine Luna. At saka si Nicole ay nasa Batang Quiapo na. God bless!”

“‘Yan ang magandang pag-uugali, bukal sa kalooban ang pagtulong.”


“Nu’ng nalaman ni Coco na ‘di pala n’ya anak, ipinagpatuloy pa rin n’ya ang pagsuporta hanggang 18 years old ang bata dahil napamahal na s’ya rito. At ngayon, tinulungan n’ya at ipinasok sa Batang Quiapo.”

The best ka talaga, Coco Martin!



SINALUBONG ni Kyline Alcantara ang 2026 with resilience at nagpasalamat sa pagwawakas ng 2025.


Pinagnilayan ng aktres kung paano siya nagpakita ng katatagan sa mga hamon noong nakaraang taon.


Ibinahagi niya ang isang larawan ng Kapuso Countdown 2026 to mark the New Year.

Ayon kay Kyline, handa na niyang harapin ang 2026 nang mas meaningful at naka-focus sa kanyang trabaho, at mas magiging stronger person siya sa taong ito.


Aniya sa kanyang Instagram (IG) Stories, “Grateful to be ending 2025 working and stepping into 2026 still doing what I am passionate about.”


Aniya pa, “Shaped me, challenged me, and revealed another level of resilience within me.”

Sa panghuli, ani Kyline Alcantara, “2026, I am not waiting for you to be easy. I am ready for you to be meaningful.”


 
 

ni Beth Gelena @Bulgary | December 29, 2025



BULGARY - “LORD, TINUPAD N_YO ANG PANGARAP KO” - KRYSTEL GO_IG _nathan.studios

Photo: IG _nathan.studios



Masaya si Sylvia Sanchez at ang buong team ng Nathan Studios dahil natupad ang pangarap nila sa pinaghirapan nilang pelikula na entry sa 51st Metro Manila Film Festival (MMFF), ang I’mPerfect.


Si Sylvia ang producer ng pelikula na idinirehe ni Direk Sigrid Andrea Bernardo.

Sa naganap na Gabi ng Parangal ng MMFF noong December 27 sa Dusit Thani Hotel, Makati, ang I’mPerfect ang nagwagi bilang Best Picture. 


Second Best Picture ang UnMarry nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo. Tie naman sa 3rd Best Picture ang pelikula ni Vice Ganda na Call Me Mother (CMM) at Manila's Finest ni Piolo Pascual. 


Best Actor si Vice Ganda para sa CMM. Si Krystel Go ang nagwaging Best Actress para sa kanyang papel bilang Jessica sa I’mPerfect


Nakipagsabayan siya sa mga award-winning actresses na sina Nadine Lustre at Angelica Panganiban, ngunit mas pinahalagahan ng hurado ang husay niya, na unang beses pa lamang sumabak sa pag-arte sa kabila ng pagiging person with Down syndrome. 

Nominado rin sa Best Actress ang former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Bianca de Vera para sa pelikulang Love You So Bad (LYSB).


Very touching ang acceptance speech ni Krystel, kung saan laging nakaalalay sina Sylvia at Direk Sigrid. Teary-eyed ang audience habang pinakikinggan ang kanyang mensahe.

Ani Krystel, “Maraming salamat po sa award na ito. ‘Di po ako makapaniwala na nanalo po ako. Mommy and Daddy, para po sa inyo ‘to. Best Actress na po ako. 


“Direk Sigrid Andrea Bernardo, maraming salamat po sa pagkakataon na ito para mabigyan kami ng boses at maipakita namin na kaya rin naming umarte.”


Dagdag pa niya, “Lord, tinupad n’yo po ang pangarap ko, naming lahat na maging artista.”

Congrats kay Krystel, a.k.a. Jessica ng I’mPerfect, at sa buong team ng Nathan Studios, lalo na kina Sylvia Sanchez at Direk Sigrid Andrea Bernardo.





NO show si Carla Abellana sa nagdaang Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal kung saan kabilang siya sa pelikulang Shake, Rattle & Roll: Evil Origins (SRREO)


Una na naming naisulat kahapon na ikinasal na ang Kapuso actress sa non-showbiz boyfriend na si Dr. Reginald Santos noong December 27 sa Tagaytay, sa isang intimate ceremony.


Tahimik na naitago ng aktres ang kasal, ngunit nangako siya sa kanyang mga supporters na ibabahagi rin niya ang mga detalye ng kanyang special day.

Suot ang isang napakagandang white wedding gown, blooming na blooming ang aktres sa naturang okasyon.


Bago ang kasal, nagbahagi rin si Carla ng mga pasilip sa kanyang bridal shower na ginanap sa isang dermatology clinic sa Parañaque kasama ang kanyang ina at malalapit na kaibigan.


Matatandaang tikom ang bibig ni Carla tungkol sa pagkakakilanlan ng kanyang groom noong una, at nitong mga nakaraang buwan lamang niya kinumpirma ang kanilang engagement matapos mag-post ng diamond ring.


Sa isang panayam sa 24 Oras, sey ni Carla, “We’ll share everything definitely, kasi ang hirap nang overwhelmed ka, overjoyed ka, tapos ‘di mo mailabas.”


Nag-post din si Carla ng quote card na, “Last Christmas as a Miss,” bilang pahiwatig na iyon na ang huli niyang Pasko bilang dalaga.


Congratulations again, Carla Abellana & Dr. Reginald Santos!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page