ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | November 7, 2025

Photo: IG _krisaquino
Sa bagong update ni Kris Aquino sa kanyang Instagram (IG) page, ibinahagi niya na sa Tarlac na sila titira, sa bahay ng kanyang inang si former President Cory Aquino.
Binanggit niya rin na gusto pala ng kanyang mommy na ipamana sa kanyang panganay na anak na si Joshua ang naturang tirahan.
“When I told Kuya that his Lola’s house would be our house, he looked at me angrily and said, ‘No, that’s LOLA HOUSE.’ I appeased him by saying Lola wanted him to have it—a smile that started in his eyes, made his dimple appear, and a smile for Lola that was full of love and gratitude,” pahayag ni Tetay.
Kasunod nito ay sinabi niyang matindi raw ang sakit ngayon ng kanyang buto dahil sa malamig na panahon.
“The bone pain is awful because of the weather. But this is now part of my life and it hasn’t broken my spirit yet,” aniya.
Sey pa niya, nuclear family na raw sila ngayon.
“We’re learning to be a nuclear family. I admit we have two nurses, two assistants, and several men. But we set a rule—when it’s dinner time, the three of us will eat together and bond like a family. Bawal muna ang gadgets except to listen to new releases and me asking my two favorite nurses, Elle and Kate, to please get me my notepad because there were particular lines in a song I wanted to write to make sure I remember,” ani Kris.
Naikuwento rin niyang may sinubukan siyang isang gamot pero tila hindi niya hiyang.
“I disappointed one of the doctors I respect the most (the other is my anesthesiologist). I tried new medicine but it’s just not for me. He wants to help relieve the pain from fibromyalgia. I was saying we could be roommates for five nights so he could see that when the weather is colder, my bone protrusions have a life of their own,” aniya.
Sa huli ay sinabi rin ni Kris Aquino na probinsiyana na siya ngayon.
“Probinsyana na si KCA and it’s #lovelovelove,” sey ng Queen of All Media.
KAMAKAILAN ay inilabas na ang isa sa mga twists sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 (PBBCCE 2.0).
Nahati na sa limang grupo ang housemates, bawat isang grupo ay may tig-apat na miyembro na binubuo ng dalawang Kapuso at dalawang Kapamilya housemates.
Tinawag na ‘Team Antoquin Sella’ ang unang grupo na binubuo nina Anton Vinzon, Joaquin Arce, Sofia Pablo, at Lella Ford.
‘Fighting Sweethearts’ naman ang ikalawang team na kinabibilangan nina Krystal Mejes, Marco Masa, Iñigo Jose at John Clifford.
Para naman sa ‘Team Caramel Macutesy’, napili ni Carmelle Collado na maging kagrupo sina Heath Jornales, Rave Victoria, at Caprice Cayetano.
Samantala, ang grupo nina Reich Alim, Waynona Collings, Fred Moser at Princess Aliyah ay tinawag na ‘Rays of Sunshine’.
Para sa huling grupo na ‘Adorable Task Smashers’, binubuo ito nina Miguel Vergara, Ashley Sarmiento, Eliza Borromeo at Lee Victor.
Bago nito, pinatawan na rin ni Kuya ng parusa ang mga lumabag na housemates.
Mas magiging matatag nga kaya ang Gen Z housemates ngayong alam na nila na ang bawat galaw nila ay magiging basehan ng kanilang pananatili sa loob ng Bahay ni Kuya?






