top of page
Search
  • A Servinio

Game 1: Pampanga Delta, naunahan ang La Union sa NBL Black Arrow

Uminit ng todo ang mga kamay ni Levi Hernandez sa huling quarter upang buhatin ang Pampanga Delta Converge laban sa La Union PAOwer, 88-83, sa pagsisimula ng 2019-2020 National Basketball League (NBL) Black Arrow Express President’s Cup Finals sa Bren Z. Guiao Convention Center sa City of San Fernando Huwebes ng gabi. Ang Game 2 ng seryeng best of five ay gaganapin ngayong araw sa parehong lugar simula 6:00 ng gabi.

Pinasok ni Hernandez ang 17 ng kanyang 24 puntos upang burahin ang 59-58 na lamang ng PAOwer matapos ang tatlong quarter. Tinuldukan niya ang kanyang magandang gabi sa pamamagitan ng magkasunod na tres para sa 81-69 na lamang at 3:41 ang nalalabi.

Mula roon ay nagtrabaho si Dexter Maiquez para sa huling anim na puntos ng Pampanga at naging sapat ang kanilang lamang. Nagpasabog ng sunod-sunod na tres sina Erven Silverie at Jayson Apolonio ng PAOwer subalit kinapos sila ng oras.

Dominado ng Pampanga ang first half, 37-29, at maagang pumutok sina Hernandez at Maiquez. Nagising ang La Union at humabol sa lilkod nina Silverie at Apolonio habang malamig si Mitchelle Maynes na dalawa lang ang puntos.

Nagtala si Maiquez ng double-double na 20 puntos at 12 rebounds. Sinundan siya ni Michael Juico na may 14 puntos at reserbang si Wilson Baltazar na may 12 puntos.

Nanguna si Silverie para sa La Union na may 29 puntos at anim na assist. Nagtapos si Apolonio na may 21 puntos at limang rebound habang may 14 puntos si Jonathan Ablao

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page