top of page
Search
  • MC

DOTA 2 star player Ruru, una sa LGD esports play

Darating sa bansa ang world renowned DOTA 2 player na si Pan ‘Ruru’ Jie upang personal na pangunahan ang paglulunsad ng pinakamalaking esports tie-ups sa Pilipinas at Southeast Asian region.

Tinawag na ‘LGD International Launch Party: A Collab of LGD and Esportsplay Gaming,’ idaraos ang event sa Nob. 26 sa Conrad Hotel. Libre ang admission, magsisimula ang meet ng 1 p.m. Itinuturing ang LGD na isa sa pinakamahusay na international DOTA2 teams sa buong mundo at pinakamatagal nang esports organization sa China, kung saan ang Esportsplay Gaming – ang bagong Philippine player sa larangan ng esports ay partner na ngayon ng LGD International, ang Southeast Asia-based team.

Ang dalawa ay nagsanib-puwersa upang magsanay, mag-coach, mag-manage at mag-scout ng top and core players mula sa Pilipinas at SEA region na sasabak sa ‘The International (T.I.), na siyang pinakamalaking DOTA 2 tournament. Ang Esportsplay Gaming ay pinamumunuan ni Chief Operating Officer Ivan Angelo Cuevas at Chief Operating Officer John Tze, dalawang eSports enthusiasts at entrepreneurs na nakita ang potensiyal ng bansa sa eSportsfield na kasama sa sports calendar ng nalalapit na 2019 SEAG.

Nakapagprodyus na ang bansa ng maraming star players sa DOTA/DOTA2 at itinuturing na may pinakamahusay na DOTA 2 players, isang oportunidad ang Esportsplay Gaming sa tulong ng LGD para mapabilang ang bansa sa mapa ng eSports.Bilang bahagi ng paglulunsad ng event, ang LGD ay kumuha ng 6 na fans kalaro ang star players kabilang na si RuRu, ang current CEO, na founder ng organisasyon noong 2009 upang maging world-class Esports organization ngayon.Patuloy ang registration sa https://LGDint.progressiveprosolutions.com at maging bahagi ng LGD International team.

Plano rin ng LGD at Esportsplay Gaming na palawakin ang impluwensiya ng pangalan, industrial layout at resources upang lumakas ang eSports sa bansa pagdating sa pagtatatag ng talent training program, palaguin ang ecosystem, paglikha ng mga nilalaman at pagtatayo ng sarilng eSports training center sa Pampanga at gaming arena sa Cebu. Pinili ng LGD ang Pilipinas bilang unang South East Asian country na makikinabang sa mga world-class training mula sa Esportsplay Gaming.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page