top of page
Search
  • BULGAR

Walang pipigil sa Olympics kahit may banta ng COVID-19

ni Gerard Arce - @Sports | September 28, 2020




Parehong desidido sina International Olympic Committee (IOC) President Thomas Bach at Japanese Prime Minister Yoshihide Suga na matutuloy ang Tokyo Olympic Games sa susunod na taon kahit mayroon pa ring banta ng coronavirus disease (COVID-19) scare sa buong mundo.

Inihayag ni Bach na kahit wala pa umanong vaccine na opisyal na inilalabas ay maaaring ganapin ang prestihiyosong quadrennial meet, kasunod ng matagumpay na pagdaraos ng katatapos lang na Tour de France.

Ipinangako rin nito sa organizers na magiging matagumpay din ang naipagpalibang quadrennial event sa kabila ng mga walang katiyakang solusyon sa ngayon sa pandemya. “We can see that sport is coming back slowly but surely, and that a number of big sport events have been successfully organized recently, including matches in different Japanese leagues,” pahayag ni Bach via videolink. “Also, very complex events like the Tour de France and others, which showed to us and showed to the world that we can organize safe sport events even without a vaccine,” dagdag ni Bach, na hindi rin naman ipinagwalang-bahala ang pag-aasam sa vaccine at pagsasagawa ng rapid testing sa naturang multi-sport event, “would of course greatly facilitate.”

Para naman kay Suga, determinado itong ipagpatuloy ang Tokyo Games sa darating na tag-init sa susunod na taon upang maging patunay na nagapi ng sangkatauhan ang nararanasang pandemya.

Minsan ng naipagpaliban ang Olympic Games sa Tokyo, Japan nitong Hulyo 24-Agosto 9, matapos napagdesisyunang ilipat ito ng IOC at mga organizers sa Hulyo 23-Agosto 8, 2021. “Spare no effort in order to welcome you to Games that are safe and secure,” wika ni Suga sa prerecorded na speech sa ginanap UN General Assembly.

Ipinakita sa inilabas na survey noong Hunyo ng Japanese broadcaster na NHK na karamihan ng mga kumpanya at publiko sa Japan na hindi iniisip na ang Olympiad ay dapat mangyari sa susunod na taon. Two-third rin dito ay hindi pa nakakapag-desisyon kung kinakailangan pa bang palawakin ng isa pang taon.

Samantala, imumungkahi ng mga organizers ng Tokyo Olympics na bawasan ang bilang ng mga opisyal nito mula sa 10-15 porsiyento bilang daan sa pagbabawas ng mga gastusin.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page