top of page
Search
BULGAR

Refresher Courses at training kontra sunog sa mga fire brigade

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | Marso 28, 2024


Dumarami ang insidente ng sunog sa bansa.


Ayon sa Bureau of Fire Protection, nasa 5,174 ang sunog na nangyari mula Jan. 1 hanggang March 26 ngayong taon. Mas mataas ito ng 27 percent sa 4,077 insidente na naitala sa parehong panahon noong 2023.


Karamihan daw ng mga sunog na ito ay nangyari sa mga residential area.


Nasa 112 kababayan natin ang namatay dahil sa sunog, habang 331 naman ang sugatan. Umabot din sa P2.66 billion ang pinsala dahil sa sunog.

☻☻☻


Bunsod nito, inilahad ng BFP na paiigtingin pa nila ang pagsisikap para mas maging malay ang mga komunidad sa pag-iwas ng sunog.


Bukod sa paglapit sa mga komunidad, nagsasagawa rin daw ang BFP ng refresher courses at training para sa mga fire brigade, fire drills at demonstrations sa mga mall, industrial establishments, at mga ospital, at mga social media campaign.


Mahalaga ang pagtutok sa kaalaman ng mga nasa komunidad dahil ayon sa BFP, karamihan ng mga nakaraang sunog ay naganap sa mga residential area at informal settlements.


☻☻☻


Sa pagpasok ng tag-init, lalo pa’t may tagtuyot na dala ng El Niño, mas matinding hamon ang haharapin natin kapag nagkasunog.


Kaya’t mahalaga na kung maaari, sa atin na rin mismo manggaling ang pagkukusa na gawin ang lahat upang maiwasan ito.


Malaki ang maitutulong ng dagdag na kaalaman sa mga kababayan natin sa responsableng paggamit at pagbasura ng mga posibleng “fire starters” upang maiwasan ang sunog.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal. Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page