top of page
Search
  • BULGAR

Pinoy health workers, balik-abroad na!

@Editorial | November 22, 2020



Matapos ang mahaba-habang paghihintay, makakalipad na paibang bansa ang mga Pinoy health workers.


Ito ay makaraang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtanggal sa deployment ban ng mga healthcare workers para makapagtrabaho abroad.


Una nang nanawagan ang mga nurse at iba pang medical workers na bawiin na ang nasabing deployment ban upang makaalis na sa kabila ng COVID-19 pandemic.


Paliwanag naman ng gobyerno, bumabagal na ang pagkalat ng COVID-19 sa bansa at gumaganda na ang kondisyon kaya wala ng problema kung aalis man ang mga health workers na gustong mag-abroad.


Gayunman, dapat pa ring matiyak na may sapat tayong health professionals sa bansa na sandigan laban sa COVID-19 at iba pang sakit.


Mahirap namang marami tayong magagaling na doktor, nurse at iba pang health workers pero, umaalis ng bansa dahil sa iba’t ibang kadahilanan.


Kaugnay nito, patuloy din ang panawagan sa pamahalaan na pag-aralang mabuti ang mga dahilang ito at gawan ng paraan upang hindi na nila kailanganing umalis ng bansa at mahiwalay sa mga mahal sa buhay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page