top of page
Search
  • BULGAR

Kaya raw todo-tulong sa madlang pipol… HEART, NAGHAHANDA NA SA PAGPASOK SA PULITIKA

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 29, 2020




Dinagsa ng mga humihingi ng tulong ang Twitter account ni Heart Evangelista kahapon. Sunud-sunod ang tweets ni Heart bilang panawagan sa mga nangangailangan ng tulong niya.

"If anyone needs help... I will try my best to reach out as much as I can... kindly follow me on IG (Instagram) and send me a dm (direct message). As much as possible, please use your real account not a dummy (praying hands)," tweet ni Heart.

Mabilis namang nag-respond ang mga netizens with matching post pa ng mga litrato lalo na 'yung mga nasa hospital na maysakit ang kanilang kamag-anak.


Marami rin ang humihingi ng tablet kay Heart para sa mga estudyante nilang anak. At 'yung iba, nagri-request ng tulong from Heart para sa maliit na negosyong gustong buksan.


Kung ang ibang pulitiko ay tumigil na sa pamimigay ng tulong at tablet sa mga estudyante, si Heart, patuloy pa rin sa pamumudmod. Kaya lang, may requirement na gagawin ang mga gustong tulungan sila ni Heart.

"Follow me @iamhearte and @phbigheart on ig (Instagram) to find out how to get a tablet...I will work very hard to keep going and try to help as much students as I can... (praying hands and red heart)."

Ang @phbigheart IG account ni Heart ay may 31,700 followers, habang ang @iamheart ay may 6.7M followers na.

Bukod sa mga humihingi ng tulong, may reply sa tweets ni Heart ang mga nagpapasalamat at pinupuri ang misis ni Sorsogon Governor Chiz Escudero.

"Hays, napakabaittt ng ateeee!!!!"

"Hello Ms. Heart. Thank you at napakabuti mo. Salamat sa pagiging instrumento upang mabigyan-katuparan ang mga munting pangarap ng ating mga kapwa-Pilipino. Hindi pa nauubos ang mabubuting Pinoy. At nakakatuwang isipin na hindi pa tayo kumokonti. Mabuhay ka!"

"My (red heart). You're not just a pretty face. You also have a good heart. Your name fits you perfectly."

Sa dami ng mga nabasa naming posts na humihingi ng tulong kay Heart, eh, talagang nakakalula.


Siyempre, 'di naman lahat 'yun ay matutulungan ni Heart. But of course, nais din naming matulungan ni Heart ang lahat ng nag-send sa kanya ng message.

"Sorry, it's been a while, I just had to fix a few things... I may not be able to help everyone but I will try to reach as much as I can," paunang paghingi na agad ng paumanhin ni Heart.

Hindi naman maiaalis na magduda ang iba sa ginagawang pagtulong ni Heart sa ating mga kababayan lalo pa't pulitiko ang kanyang mister. Maaaring "nagtatanim" na raw si Heart sa ating mga kababayan for "future reference" na puwedeng sa personal niya or para kay Gov. Chiz na dati ring tumakbo bilang vice-president.

Whatever Heart's real intention sa ginagawa niyang pagtulong, mabuti na 'yun kesa naman sa walang ginagawa lalo na sa panahon ng pandemic na talaga namang napakatindi ng pangangailangan ng mga Pinoy.


Mabuti nga at may Heart na nakakatulong, 'di ba?

And if ever pasukin ni Heart ang pulitika at tumakbo sa susunod na halalan, it's up for the people to decide. Another 'Lucy Torres-Gomez' in the making si Heart kapag nagkataon.

Aba, ayaw ninyo ba na maraming magagandang pulitiko ang nakaupo sa Congress at sa Senado?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page