ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | February 27, 2024

Ikinatutuwa ni Gabbi Garcia ang mga tsismis na nagsasabing sasali siya sa Miss Universe Philippines 2024, ngunit itinanggi niya ang mga ito.
Sinabi niya na kahit si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ay nagpadala sa kanya ng text message na nagtatanong kung sasali siya sa nasabing beauty pageant.
"While they were presenting the Miss Universe [Philippines candidates] I was in Japan. So hindi talaga totoo siya," pahayag ni Gabbi.
"Pero nakakatuwa and nakakakilig because they're considering me, but at the same time kasi that's a lot of things to process. Hindi naman ganoon kadali sumali lang," dagdag niya.
Ibinahagi ng aktres na childhood dream niya ang sumali sa isang beauty pageant.
Gayunpaman, kasalukuyang abala si Gabbi sa kanyang karera sa showbiz at mga negosyo. Kasisimula lamang niya ng isang accessory brand, ang pangalawang negosyo niya matapos ang kanyang makeup brand na inilunsad noong nakaraang taon.
Babalik din siya bilang Hara Alena sa spinoff series ng "Encantadia" na "Sang'gre."
Comments