top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Damay daw sa paninira sa kanya… SHARON, IDINEMANDA SI CRISTY DAHIL SA MGA ANAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 11, 2024
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio @Winner | May 11, 2024



Showbiz Photo
Photo: Circulated / MJ

Nagpainterbyu si Megastar Sharon Cuneta at ang mister niya na si dating Senador Francis “Kiko” Pangilinan sa mga taga-media pagkatapos nilang magsampa ng cyber libel case against Cristy Fermin sa Makati City Prosecutor's Office kahapon.


Itsinika ni Megastar kay MJ Felipe ng TV Patrol ang kanyang mga hinaing na nagtulak sa kanila ng mister niyang si Kiko para idemanda ang sikat na talk show host.


Pahayag ni Sharon, “Inalagaan ko 'yung pangalan ko ng 46 years, maganda ang palaki sa 'kin ng mga magulang ko. At higit sa lahat, sabi ng tatlong anak ko, mabuti akong ina. So, napakasakit sa 'kin.”


Nagpatung-patong na raw kay Mega ang mga tirada sa kanila ng kilalang TV host. At pini-pick-up daw ng iba na tila alam na alam ang nangyayari sa buhay ng pamilya ni Mega.


“My children have suffered and ang sama ng loob nila. We’ve been off social media because of this. Ayoko ‘to, eh, kung puwede lang,” lahad ni Mega.


Dagdag pa niya, “But it’s a message also na artista kami, pero ang daming nakakalimot na nasasaktan din kami, ‘di ba?


“Na hindi n’yo rin naman kami kilala, nakikita n’yo lang kami on air. So, okay lang 'yun. I’m very ano 'pag pinipintasan, that’s part of it.”


Pero tumangging magsalita si Mega tungkol sa mga isinumite nilang dokumento ni Kiko sa korte.   


Habang si Kiko, nakikita niya rin ang malaking damage sa pamilya niya na dulot ng mga sinabi raw ni Cristy sa kanyang YouTube channel.


Karamihan daw dito ay baseless at walang supporting evidence, kaya na-feel ni Kiko na kailangang protektahan ang kanyang  pamilya.    


Depensa ni Kiko, “Cybercrime law dahil malicious and imputation of defamation of our persons. Sabi nga natin, na yes, we are public figures, but we also have rights.”


Oh well, let’s see kung saan hahantong ang demanda nina Mega at Kiko laban kay Cristy.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page