top of page
Search
  • BULGAR

Asean Basketball League, posible nang magsara

ni VA - @Sports | July 11, 2020




Maaaring hindi na matuloy ang ika-10 taon ng Asean Basketball League (ABL) dahil sa coronavirus (COVID-19) pandemic. Pero bukod sa tuluyang pagkaudlot ng kanilang 10th season, may posibilidad ding mag-shutdown na ang liga.


Base sa pahayag ng ilang sources, hindi na ni-renew ng regional league ang kontrata ng kanilang mga staff kabilang na ang chief operating officer na si Jericho Ilagan.

Naunang nangako ang mga officials ng Singapore-based league na kikilalanin ang kontrata ng kanilang mga staff hanggang noong nakaraang Mayo 30, subalit hindi na ito natupad dahil hanggang noong Marso 30 na lamang nina pinasuweldo ang kanilang mga staffs.


Katunayan, si Ilagan na umano ang sumagot sa "separation packages" ng mga staff ng liga na karamihan ay mga Filipino.

Ang majority owner ng ABL ay ang AirAsia — isang Malaysian low-cost airline na napaulat na nalugi ng 187.91 milyong dolyar sa unang quarter ng taon.

Samantala, ang ilan sa mga ABL teams gaya ng Formosa at Fubon ay nagdesisyon ng sumali sa Taiwanese league habang ang Thailand team na Mono Vampire ay nag- focus na sa Thailand Basketball League.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page