Search
  • BULGAR

30,682 positibo sa COVID-19

ni Madel Moratillo | June 23, 2020



Umakyat na sa 30,682 ang kabuuang bilang ng covid-19 cases na naitala sa bansa.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 630 na karagdagan pang kaso.

Sa mga bagong bilang na ito ay 467 ang fresh cases habang 163 naman ang late cases.

Sa mga fresh cases, 149 ang mula sa National Capital Region, 164 sa Region 7, ang 153 naman ay mula sa iba pang lugar sa bansa at may 1 mula sa hanay ng repatriates.

Sa mga late cases naman, ang 25 ay mula sa NCR, 93 mula sa Region 7 at 45 naman sa iba pang lugar sa bansa.

May naitala namang 250 na nakarekober mula sa sakit. Dahil dito, umakyat na sa 8,143 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling mula sa virus.

May 8 namang naitalang nasawi dahil sa covid-19. Sa ngayon, umabot na sa 1,177 ang kabuuang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa covid-19.



Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.