ni VA @Sports | August 26, 2025

Photo: Alex Eala - IG
Sakto sa National Heroes' Day kahapon, nagsilbing bayani para sa Pilipinas nang lumikha ng panibagong kasaysayan si Filipina tennis sensation Alex Eala bilang unang Pinay na nagwagi sa 2025 US Open women’s tournament at unang Pinoy sa Open Era matapos humataw ng dikdikang panalo kontra 14th seed Clara Tauson ng Denmark sa 6-3, 2-6, 7-6 (13-11) sa first round ng kompetisyon sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa New York City.
Ginulantang ng 20-anyos na Pinay tennis star ang world No.15 Danish upang makaukit ng kasaysayan na manalo ng Grand Slam singles tournament, habang tinapos ang first round exits sapul ng mapasali sa main draws. Noong 1948 hanggang 1952 si Hermoso Felicimo Ampon ang unang Pinoy sa Grand Slam event.
Una nang nakalikha ng kasaysayan si Eala sa New York nang mapagwagian ang girls’ singles noong 2022 US Open tournament. Ilang beses sumubok si Eala na makapasok sa prestihiyosong torneo, ngunit hindi makuwalipika noong 2023 at 2024. “It’s so special, you know. They (the Filipino community) make me more and more proud. To be Filipino is something I take so much pride in,” pahayag ni Eala matapos ang pambihirang panalo. “I don’t have a home tournament, so to be able to have this community here at the US Open… I’m so grateful that they made me feel like I’m home.”
Hindi bumigay sa deciding set ang World No. 70 sa paghahabol sa 1-5 para sa come-from-behind na panalo at puwersahin ang tiebreak tungo sa panalo 13-11 iskor.
Paboritong magwagi ang 22-anyos na Danish na naging three-time WTA champion hawak ang kabuuang 257-120 career record kabilang ang 33-17 ngayong taon, habang pumasok si Eala na may 26-18 record ngayong season na pipiliting makaangat sa professional ranks sa pag-abante sa second round.
Naging pahirapan ang pagpasok ni Eala sa main draw sa Grand Slams matapos ang debuts sa French Open at Wimbledon, habang inaabangan ding makapaglaro sa 33rd Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand sa Disyembre.








