top of page
Bong Revilla - Circulated.jpg
Search

by Gerard Arce @Sports News | July 23, 2026



Alex Eala - Instagram

Photo: Alex Eala - Instagram



Haharap agad sa mga bigatin ng US hard-court swing si Filipina tennis star Alexandra “Alex” Eala na makakatapat ang pito sa Top 20 players sa  Mubadala Citi DC Open na pinangungunahan nina World No.3 Jessica Pegula at World No.8 Elina Svitolina, gayundin ang tumapos sa kampanya ng Pinay sa Wimbledon Championship na si World No. 15 Jasmine Paolini ng Italy simula Hulyo 27 hanggang Agosto 2 sa William H.G. FitzGerald Tennis Center sa Washington, DC. 


Makakaharap din ng 21-anyos na 2-time Women’s Tennis Association (WTA) 125 titlist ang defending champion at Fil-Canadian na si Leylah Fernandez na  World No.25, na hindi naman nalalayo sa posisyon ni Eala sa No. 29, matapos bumaba ng isang baytang mula sa pinakamataas na No.28 rating matapos ang grass-court swing.


Sa kampanya sa North American hard-court tournament, star-studded ang torneo kabilang sina No. 18 Diana Shnaider, No. 20 Anna Kalinskaya, at Japanese star at No. 13 Naomi Osaka. Hahambalos  ang mga dating top 20 players na sina No.27 Emma Navarro, No. 30 Clara Tauson, No. 28 Anastasia Potapova, No. 32 Ann Li, at No. 23 Madison Keys.


Kasama siya sa main draw ng singles, habang balik tambalan kay multi-Grand Slam titlist Venus Williams.  “Venus has such a special work ethic and such a special mindset. And for who she is, she is so down-to-earth,” wika ni Eala.

 
 

by MC @Sports News | July 23, 2026



Proteksyon sa mga gun sports enthusiast maging sa disiplinadong gun owner ang target sa pagbubukas ng 32nd Defense and Sporting Arms Show (DSAS) sa pangunguna ni AFAD President Alaric "Aric" Topacio katuwang si Senator Majority floor leader "Migz" Zubiri kasama ang iba pang mga opisyal sa SMX Convention Center, Mall of Asia Complex kahapon kung saan ang exhibition ay tatagal ng limang araw hanggang Hulyo 26

Photo: Proteksyon sa mga gun sports enthusiast maging sa disiplinadong gun owner ang target sa pagbubukas ng 32nd Defense and Sporting Arms Show (DSAS) sa pangunguna ni AFAD President Alaric "Aric" Topacio katuwang si Senator Majority floor leader "Migz" Zubiri kasama ang iba pang mga opisyal sa SMX Convention Center, Mall of Asia Complex kahapon kung saan ang exhibition ay tatagal ng limang araw hanggang Hulyo 26. (Reymundo Nillama)  



Bilang proteksiyon  sa karapatan ng mga responsable, masunurin sa batas na firearm owners kasunod ng pagbubukas ng Defense Sporting Arms Show, pinakinggan ni Senate Majority Floor Leader Juan Miguel 'Migz' Zubiri ang sitwasyon ng mga nagmamay-ari ng baril. 


"His legislative work reflects the principle that the law should focus on criminals and illegal firearms and not create unnecessary burdens for citizens who faithfully comply with existing laws," ayon kay Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc. (AFAD) President Alaric "Aric" Topacio.


Naniniwala siya na ang isang responsableng firearm owners ay mabigyan ng karapatang batas na patas, praktikal at epektibo. 


Sa pagsasalita ni Zubiri sa opisyal na pagbubukas ng 32nd Defense and Sporting Arms Show (DSAS) kahapon sa SMX Convention Center, MOA complex hinalimbawa niya at binigyang diin kung ano ba ang pananagutan ng isang nagmamay-ari ng baril sa sandaling 'makasakit' ang armas kahit hindi naman siya ang gumamit o bumaril at kung ano ba ang magiging batas sakaling ninakaw ito at ginamit ng iba sa krimen lalo na ngayong bumabata ang edad ng mga natututong gumamit ng baril.  At kung ano rin ba ang batas sakaling ang isang gun owner ay yumao na at maiiwan na ito sa kanyang mahal sa buhay. 


"Sen. Migz Zubiri has consistently listened to the concerns of responsible firearm owners nd the firearms industry," ani Topacio. 


Kasabay nito itinampok din sa AFAD event ang pangunahing exhibisyon ng mga makabagong firearms, sports shooters, collectors, retailers, manufacturers, distributors kasabay ng panghihikayat na maging maingat at responsable ang isang may-ari ng baril, mailunsad ang kaligtasan at depensa ng bawat isa sa patuloy na pag-usad ng industriya ng armas. 


"Malinaw ang ating batas, laban tayo sa mga kriminal habang nirerespeto natin ang mga kuwalipikado at masunurin na firearm owners," dagdag pa ni Topacio. "Patuloy na edukasyon, disiplina at  batas ang patuloy nating paiiralin sa mga may hawak ng armas." 


 
 

ni Elyssa Nichole @Sports | July 17, 2026



Giniba ng Thailand ang Myanmar para makatuntong sa semifinals ng Southeast Asia Volleyball Cup (SEA V Cup), 25-15, 25-16, 25-19 kahapon sa Candon City Arena. Sina Nadapet Bhinijdee at Chaiwat Thungkham ang bumida sa laro nang sungkitin ng Thailand ang ika-2 panalo sa maraming laro sa Pool B. (seavcuppix) 

Photo: Giniba ng Thailand ang Myanmar para makatuntong sa semifinals ng Southeast Asia Volleyball Cup (SEA V Cup), 25-15, 25-16, 25-19 kahapon sa Candon City Arena. Sina Nadapet Bhinijdee at Chaiwat Thungkham ang bumida sa laro nang sungkitin ng Thailand ang ika-2 panalo sa maraming laro sa Pool B. (seavcuppix) 


CANDON CITY, Ilocos Sur - Umabante ang Thailand sa semifinals ng SEA V Cup matapos nilang dominahin ang Myanmar, 25-15, 25-16, 25-19, kahapon na nilaro sa Candon Arena.


Pinangunahan nina Nadapet Bhinijdee at Chaiwat Thungkham ang atake para sa Thailand upang sikwatin ang pangalawang sunod na panalo at upuan ang tuktok ng Pool B.


Matapos ang 4 set win sa Vietnam noong Miyerkules, ipinakita ng Thais ang lakas laban sa Myanmar upang makuha ang isang slot sa semis na lalaruin bukas, (Sabado).


Tumikada si Bhinijdee ng 17 mula sa 13 attacks at tig-2 blocks at service aces habang nag-ambag si Thungkham ng 10 markers kasama ang 9 kills at service ace para sa Thais na walang laro ngayong araw sa torneo ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee at ng City of Candon. 


Maghaharap ngayong araw ang Vietnam at Myanmar na may makukuhang world ranking points.


Pakay ni Thungkham na bigyan muli ng korona ang Thailand matapos magkampeon noong 2025 sa SEA V League. 


Samantala, nasa kukote ng Alas Pilipinas na manalo ngayong araw laban sa tigasing Indonesia upang manatili ang tsansa na makapasok sa semis. Ang top 2 teams sa bawat pool ay aabante sa semifinals bukas, (Sabado) habang sa Linggo ang finals. 



 
 
RECOMMENDED
bottom of page