top of page
Search

ni Nympha Miano-Ang @Sports | February 5, 2026



File Photo: Ang maaksiyong laro ni Alex Eala sa WTA 125. (Reymundo Nillama)



Nagmartsa na si Pinay tennis ace Alex Eala sa quarterfinals ng Abu Dhabi Open kagabi.

Nagawa pang habulin ni Eala ang 0-4 deficit sa 3rd set upang talunin si Aliksandra Sasnovich ng Belarus sa iskor na 2-6,6-4,7-6 (7-5).


Ilang ulit pang nagmintis ang mga serve ng world no. 45 laban kay Sasnovich lalo na sa opening set.


Bagamat malalakas ang bigwas ng Belarusian sa kaliwa at kanan kay Eala, nakahugot naman ng lakas ang Pinay sa Pinoy crowd upang itarak ang dalawang diretsong panalo at kaldagin ang 6th serve ni Sasnovich para sa 4-2.


Dito na nagsimulang makuha ni Eala ang momentum at isinelyo sa dulo ang panalo.

Haharapin ni Eala si World no. 11 Ekaterina Aleksandrova sa quarterfinals.


Nagwagi rin si Eala sa doubles katambal si Janice Tjen ng Indonesia at makakatapat sa quarterfinals sina Zhang Shuai at Cristina Bucsa.


 
 

by Info @Sports News | February 4, 2026



Aurora Gaming PH -Senate of the Philippines

File Photo: Senate PH



Pinoy ML Champions Hailed


Kinilala ang pagkapanalo ng Aurora Gaming PH sa nagdaang Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) M7 World Championship sa Senate plenary ngayong Martes, Pebrero 3.


In-adopt ng Senado ang Resolution No. 34 para batiin at papurihan ang Philippine team sa pagkapanalo sa international Esports tournament na ginanap sa Jakarta, Indonesia.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | January 29, 2026



BIYAHENG semifinals na ang tandem nina World No. 53 Alex Eala at  World No.35 Iva Jovic ng US sa doubles event kahapon sa 2025 WTA 250 ASB Classic sa New Zealand.

Photo: Ubos lakas na humampas sa bola si Pinay tennis ace Alex Eala upang gibain ang katunggaling si Himeno Sakatsume ng Japan sa ikalawang pagkakataon ng aksyon nila sa kasagsagan ng Philippine Women's Open WTA 125 125 na idinaraos sa Rizal Memorial Tennis Center. (Reymundo Nillama)



Iwinasiwas ni Pinay tennis ace Alex Eala si Japanese Himeno Sakatsume para makapasok sa quarterfinals ng WTA 125 Philippine Women's Open kagabi mula sa pagpapakita ng mahusay na laro sa Rizal Memorial Tennis Center, Manila.  


Sa harap ng napunong Center Court sa Rizal Memorial Center, bumira nang todo si Eala para masiguro ang 6-4, 6-0 na panalo. Nakaresbak ang 20-anyos na si Eala laban sa Japanese foe na tumalo rin sa kanya noong 2023 sa Osaka. Sunod na makasasagupa ni Eala si Camila Osorio ng Colombia sa quarterfinals.


Samantala, ginimbal ni World No. 174 Tatiana Prozorova ng Russia at patalsikin si top seed at World No.42 Tatjana Maria ng Germany sa pagtala ng 7-6 (2), 6-4 panalo sa round-of-16, habang umabante sa q'finals sina 2024 Paris Olympic silver medalists Donna Vekic ng Croatia at mga Southeast Asian tennis player na si Lanlana Tararudee.


Makokonsiderang pinakamataas na ranggo ang German player na si Maria sa lahat ng mga lumahok sa kauna-unahang WTA 125 sa Pilipinas, subalit tila mas nagamit ng mas batang Russian ang katatagan upang matakasan ang 38-anyos na tennis player.


Aminado si Prozorova na naging dikdikan ang kanilang laro ni Maria, kung saan nakita niyang nakaramdam ng mas mabigat na pressure ang German tennis player kaya’t naisakatuparan nito ang tagumpay. Sunod na makakatapat ni Prozorova si World No. 143 Sofia Costulas ng Belgium na tinalo sa round-of-16 si Ye-Xin Ma ng China sa 6-2, 6-4.


Pasok na rin sa quarterfinals ang Croatian tennis player at No. 4 seed Vekic na dinaig si Mariia Tkacheva ng Russia sa 6-1, 6-2 at nakatakdang makaharap si Lin Zhu ng China na tinalo si Mananchaya Sawangkaew ng Thailand sa 6-3, 7-6 (5).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page