top of page
SPECIAL - MASAKIT… NAAAWA AKO SA PILIPINAS – NADIA-FB Nadia Montenegro.jpg
Search

by Gerard Arce @Sports News | July 6, 2026



Skateboad kid Alegado may 2 golds sa Czech Republic
 

 


Nagpamalas  muli ng ‘golden run’ ang skateboard kid wonder na si Mazel Paris Alegado matapos kumubra ng dobleng ginto sa magkahiwalay na event sa 2026 Prague Mystic Sk8 Cup na ginanap sa Mystic Skatepark, Stvanice, Prague 7 sa Czech Republic.


Rumehistro ang 12-anyos na 33rd SEAG champion ng kabuuang 79.67 puntos sa Ladies Bowl at 83.67 sa finals ng women’s vertical upang higitan ang iba’t ibang katunggali at sundan ang tagumpay na ginawa sa Bangkok, Thailand noong Disyembre 2025.


Dinaig ng Fontana-based skater, na nagsimulang hasain ang husay sa edad 5 sina Nahia Castro ng Spain na tumapos sa 78.00 at ni Norwegian Maja Spatscheck sa 69.00 sa Ladies Bowl. Kinapos ang hometown bet na si Teresa Havlikova sa 4th place sa 65.33. 


Nanatiling sumegunda si Castro sa Pinay prodigy sa Ladies Vert sa 80.00, habang 3rd place si Lilly Strachansa 78.00.  


Minsang nagkuwalipika sa women’s park finals ng 19th Asian Games sa Hangzhou, China si Alegado sa edad na 9, kung saan naging pinakabatang miyembro ng Philippine national team na tumapos ng 7th place sa iskor na 52.85.


Itinuturing na pinakabatang Filipina na nagwagi ng gintong medalya sa Bangkok biennial meet sa edad na 11 sa women’s extreme skateboard park sa Thailand. Dinaig ang kababayang si Elizabeth Amador sa finals.

 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | July 5, 2026



Lebron James - FB

Photo: Kinikilala sa buong mundo sina Cristiano Ronaldo at Lionel Messi bilang pinakamahuhusay na manlalaro ng football sa kasaysayan. Sa loob ng halos dalawang dekada, nangibabaw sila sa mundo ng football, bumasag ng hindi mabilang na mga rekord, at nagbigay inspirasyon sa milyun-milyong tagahanga sa buong mundo. Madalas na pinagtatalunan ng mga tao kung sino ang pinakamagaling, ang parehong manlalaro ay bumuo ng mga pambihirang karera sa kani-kanilang natatanging paraan. Pumasok na pareho sa last 16 ang kani-kanilang mga teams na Argentina at Portugal sa FIFA World Cup.  



Laro sa Lunes - Last 16

1 AM Canada vs. Morocco

5 AM Paraguay vs. Pransiya


Kinumpleto ng defending champion Argentina ang nalalabing 16 koponan sa FIFA World Cup 2026 kahapon matapos takasan ang palaban na Cabo Verde, 3-2, sa extra time sa Hard Rock Stadium sa Miami, Florida. Pinatid ng Colombia ang Ghana, 1-0, at kinailangan ng Ehipto ang penalty shootout para pauwiin ang Australia.


Sinalo ni Cristian Romero gamit ang kanyang ulo ang corner kick ni Leo Messi subalit dumaplis ang bola kay Diney Borges ng CV bago ito pumasok kaya ibinalang ito sa kanya para mabasag ang 2-2 tabla sa ika-111 minuto. Nanatiling agresibo ang CV sa paghanap ng panablang goal subalit hindi ito dumating.


Pinatibay ni Messi ang kanyang pagiging numero uno sa pinakamaraming goal sa kasaysayan ng WC sa ika-29 pero sinagot ito ni Deroy Duarte sa ika-59. Pagsapit ang extra time ay nagpalitan ng goal sina Lisandro Martinez ng Argentina (92') at Sidny Lopes (103').


Sa Arrowhead Stadium sa Kansas City, Missouri, sapat ang nag-iisang goal ni midfielder Jhon Arias sa ika-14 para itulak ang Colombia sa susunod na yugto. Haharapin nila ang Switzerland sa Hulyo 8.


Magsisimula ang Last 16 ngayong araw sa tapatan ng co-host Canada at 2030 co-host Morocco. Susundan ito ng Pransiya at Paraguay.




 
 

by Elyssa Nichole @Sports News | July 3, 2026



 Itinanghal na kampeon si International Master Jan Emmanuel Garcia sa huling round kontra Ruelle Canino sa pagtatapos ng 2026 National Chess Championships Battle of the GM's na iginawad nina First Asia's GM Eugene Torre at Jose Rafael representative ng AQ Prime Chess at NCFP CEO GM Jayson Gonzales  sa PACE Philippine Academy Chess Excellence, Mindanao Avenue Quezon City kagabi.
 

Photo: Itinanghal na kampeon si International Master Jan Emmanuel Garcia sa huling round kontra Ruelle Canino sa pagtatapos ng 2026 National Chess Championships Battle of the GM's na iginawad nina First Asia's GM Eugene Torre at Jose Rafael representative ng AQ Prime Chess at NCFP CEO GM Jayson Gonzales  sa PACE Philippine Academy Chess Excellence, Mindanao Avenue Quezon City kagabi. (Reymundo Nillama) 



Nasilo  ni International Master Jan Emmanuel Garcia ang korona sa Battle of the Grandmasters matapos nitong makipaghatian ng puntos kay Ruelle Canino sa 13th at final round kahapon na nilaro sa PACE sa Quezon City.


Nakalikom si 29-year-old Garcia ng 9.5 points matapos ang 30 moves ng Slav kontra Canino upang masolo ang liderato at makasama sa Philippine Chess team na lalaro sa World Chess Olympiad sa Setyembre sa Samarkand, Uzbekistan.


Tatlong slots ang nakalaan kaya swak din si GM Darwin Laylo dahil nasungkit nito ang pangalawang puwesto sa event na may 14-player single round robin.


Inirehistro ng 46-anyos, Laylo ang siyam na puntos matapos makipagkasundo ng draw kay WGM Janelle Mae Frayna sa 17 sulungan ng Queen's Bambit sa event na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines, (NCFP) sa pamumuno ni chairman Prospero "Butch" Pichay at ni executive director GM Jayson Gonzales.


Napunta naman ang isang ticket para makatulak ng piyesa sa Olympiad, kay Michael Concio Jr. na nauwi sa tabla ang laban kay IM Mark Jay Bacojo sa tournament na suportado ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pangunguna ni chairman Patrick "Pato" Gregorio.


May 8.5 puntos si Concio habang nakopo ni GM Daniel Quizon ang 4th place sa inilistang 8 puntos nang mauwi sa draw ang laban nito kay IM Ronald Bancod.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page