DANCERS NI WILLIE, P40 K NA ANG TF, LIBRE PA ANG HOTEL AT LAFANG
ni Nitz Miralles - @Bida | January 19, 2021
Hindi pala press release ang nabanggit ni Willie Revillame na ang mga dancers niya sa Wowowin ay P40,000 a month ang talent fee. Totoo pala at napatunayan namin sa nabasang ad na naghahanap ng dancer ang show.
Bukod sa P40,000 basic salary, stay-in pa sa Wil’s Tower siguro, free accommodation and free food. Ang working days ay Mondays to Fridays lang.
Kaya lang, medyo maselan si Willie at si Ana Feliciano sa applicants dahil ang hanap nila ay flawless, slim, pretty, single, no child, long hair at no tattoos.
Kaya ba, girls? Kung nasa inyo ang mga nasabing qualifications, apply na!