ROBIN KAY SEN. JOEL VILLANUEVA: 'WAG KANG MAGMALINIS!
ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 24, 2020
Hindi nagustuhan ni Robin Padilla ang naging pahayag ni Sen. Joel Villanueva sa hanay ng kapulisan matapos ang nag-viral at controversial na pagpatay ng isang pulis sa nakaalitang mag-ina sa Paniqui, Tarlac nu'ng Linggo.
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Robin ang picture ni Sen. Villanueva at ang naging pahayag nito na ganito ang nilalaman: "The senseless killing of a woman and her son by a police officer highlights the prevailing culture of impunity among law enforcement agencies that should never be allowed to persist. #NoToKillings"
Sa kanyang mahabang caption, ipinahayag ni Robin ang kanyang saloobin at opinyon kaugnay ng sinabi ni Sen. Joel.
Pero bago ito, ipinahayag muna niya ang pakikiramay sa pamilyang naulila nina Mrs. Sonya Gregorio at Frank Anthony Gregorio.
"Una sa lahat, ako po ay nakikiramay sa pamilya ng mag-ina na biktima ng isang off duty policeman. Napakabigat ng dinadaanan ng dalawang pamilyang magkapitbahay na ito dulot ng personal na awayan (Patawarin nawa tayo lahat ng Panginoong Maylikha). Katulad ng lahat ay poot rin ang naramdaman ko sa taong ito. Isang ganap ito sa ating bansa na dapat pag-aralan ng mga criminologist at psychologist."
Kasunod na nga nito ang pagpuna sa naging pahayag ni Sen. Joel.
Ani Robin, "Impunity? WTF are you talking about Senator Villanueva?"
Mukhang nag-Google pa si Robin sa meaning ng "impunity" maipaliwanag lang sa mga hindi nakakaintindi ang sinabi ng senador.
Parte ng caption ni Robin…"im·pu·ni·ty/imˈpyo͞onədē/ exemption from punishment or freedom from the injurious consequences of an action.
"the impunity enjoyed by military officers implicated in civilian killings"
"Isang personal na galit at kademonyohan ng isang off duty police i-demoralized mo ang 200,000 policeman sa buong bansa.
"Ibang klase ka ring senador, isang karumal-dumal na nagawa ng isang off duty policeman, naging kultura na kaagad ng lahat ng law enforcement agencies.
"Culture is a word for the 'way of life' of groups of people, meaning the way they do things. . Burado na pala sa iyo ang libu-libong pagmamalasakit ng mga on duty law enforcement agencies na nag-aalay ng kanilang mga buhay.
"Nakalimutan mo na rin kaagad ang tulong ng mga law enforcement agencies sa sunud-sunod na mga kalamidad?
"Isa kang senador, gumawa ka ng batas laban sa mga unlawful enforcer na katulad niyan upang kagyat at mapabilis ang kanyang parusa sa karumal-dumal na krimen na nagawa, hindi 'yung buong law enforcement ang paparusahan mo sa mga binibitiwan mong salita.
"You are literally crucifying all law enforcement personnel.
"Impunity? Maglabas ka ng ebidensiya na ginagawa 'yan ng mga on duty uniformed policeman para suportahan mo ng katotohanan ang akusasyon mo.
"Mas marami pa rin ang Matino
"Mga matitinong hirap na hirap kayong kilalanin bagkus napakaDALI n'yo pang kalimutan.
"Kasalanan ng isang pulis kasalanan ng lahat.
"Kung ganyan ang usapan, ang kasalanan pala ng isang demonyong pulitiko ay kasalanan din ng lahat ng pulitiko. Kung gayon, pare-parehas lang kayong may kultura kaya 'wag kang magmalinis," mahabang pahayag ni Robin.
As of this writing, wala pa kaming info kung nakarating na at may sagot na si Sen. Villanueva sa mga sinabi ni Robin.