ni Ka Ambo - @Bistado | September 10, 2021
Nagbabanta ang Super Bagyong Kiko.
Krisis sa gitna ng krisis!
◘◘◘
UMATRAS na si Meyor Inday.
Kung gayun, pinararaan niya tungo sa Malacañang si ex-Sen. Bongbong Marcos!
◘◘◘
LUMILINAW na ang senaryo.
Si Marcos sa pangulo, si P-Digong sa vice-president.
Super bagyo!
◘◘◘
MAITUTULAK ng senaryong Marcos-Duterte si VP Leni.
Kumbaga, rematch sa boxing!
◘◘◘
MAY ulat na hinihikayat naman si Sen. Manny Pacquiao na mag-tandem kay VP Leni bilang vice-president.
Meaning, face-to-face na: Duterte versus Pacquiao.
Napakaganda ng 2022 presidential derby!
◘◘◘
WALA na ring atrasan ang Ping-Tito Tandem.
Siyempre, mae-excite na rin si Meyor Isko!
◘◘◘
SINO ang tatandem kay Isko?
May pakiramdam tayong sisingit sa ticket si ex-Speaker Allan Peter Cayetano!
◘◘◘
NAMUMURO ngayon ang Royal Rumble ng mga Tag Team.
Marcos-Duterte; Robredo-Pacquiao; Lacson-Sotto; at Moreno-Cayetano.
Sige, mangursunada na kayo!
◘◘◘
MALALAKAS ang mga tag team na ito bagaman, mapapansin ang kasinaan ng Ping-Tito.
Dahil 4-corner fight, magkakaroon ng pag-asa ang Robredo-Pacquiao!
◘◘◘
SA finals, inaasahang maghaharap sina Marcos at Mayor Isko.
Pero, nahihinaan tayo kapag ang ka-tandem ni Isko ay taga-Metro Manila rin.
Para gumanda ang laban ay dapat mapuwersa sila si Pacquiao na maka-tandem!
◘◘◘
PATAS na patas kasi ang gradas kapag Marcos-Duterte vs Moreno-Pacquiao.
Luzon-Mindanao kontra Luzon Mindanao!
◘◘◘
MAHALAGANG magpaubaya si VP Leni upang lumakas si Mayor Isko.
Pero, 'yan ay nakasalalay ngayon kung saan grupo papasok si Pacquiao!
◘◘◘
PINAKAMABIGAT dito ay kapag tumigas ang ulo ni Pacquiao dahil sa inaasahang 5-corner fight.
Posibleng kumandidato si Pacquiao kasanggan ang baguhan!
◘◘◘
INIREREKOMENDA na maka-tandem ni Pacquiao ang magreretirong si PNP Chief Guillermo Eleazar pero hindi puwede ang heneral, puwedeng kumbinsehin niya ang sinuman sa mga dambuhalang negosyante.
Ibig sabihin, lalakas si Pacquiao kapag naka-tandem niya ang bagong mukha tulad ni SMC chairman Ramon Ang o PLDT boss Manny Pangilinan!
◘◘◘
NAPAKAGANDA rin alinman sa Pacquiao-Ang; o Manny-Manny para sa Twenty-Twenty Two.
Ang Manny-Manny ay repleksiyon ng unlimited fund na siyang kinatatakutan sa lahat ng klase ng tunggalian!